Sa Aking Gunita
Kabanata 42
Dalisay's POV
Nagpunta kami sa isang magandang restaurant.
"Biglaan lang din 'yong pagpapaeserve ko dito. Nagustuhan mo ba? Ang ganda, 'no?"
"Hm." Tumingin pa ko sa paligid ko. "Pa'no mo nalaman 'to? Hindi ko alam na may ganito pala kagandang restaurant dito. Ahh. Siguro marami ka nang nadalang babae dito, 'no?"
Natawa naman siya.
"Hindi ah. Last month lang kaya nag-open 'to."
"Talaga? Ahh. Hindi na ko updated sa sobrang busy." Kaya pala hindi pa namin napuntahan ni Sean 'to kasi last month lang eh.
"Ano'ng gusto mong kainin? Order na tayo."
"Hmm. Hindi na ko mahihiya ah? Hindi na ko bata para mag-inarte."
"Ikaw naman, isang taon lang naman 'yong diperensya natin 'no."
Pagka-serve ng pagkain, syempre hindi naman mawawala ang kwentuhan.
"Dr. Dylan?"
"Hm--ah. Kapag nasa labas tayo.. 'wag mo na kong tawaging Dr. Dylan. Kahit Dylan na lang." Nakangiti niyang sabi.
"Ugh. Okay, sige. Pwede mo na rin akong tawaging Isay."
Natawa siya.
"Ano 'yon? Ano 'yong sasabihin mo?"
"Nakapag-kwento na ko tungkol sa buhay ko. Ikaw naman 'yong magkwento."
"Ano'ng gusto mong malaman?"
"Kahit ano. Ikaw bahala kung ano'ng gusto mong ikwento."
"Hmm. Okay. Pangalawa ko saming apat na magkakapatid. Prosecutor 'yong Daddy ko at lawyer naman 'yong Mommy ko--"
"Wow! Ang galing naman? Pero ang complicated. Prosecutor saka lawyer?!"
Eh kasi syempre, 'yong prosecutor, 'yong totoo ang pinapanigan. 'Yong lawyer, kahit 'yong client niya ang mali, kakampihan niya at gagawin niyang inosente.
Natawa siya.
"Oo. Kaya nga.. naghiwalay din sila."
"Ahh.. sorry."
"Si Mommy ang kasama ko. Si Ate, nasa Dubai. Optalmologist naman. 'Yong dalawa kong kapatid, nag-aaral pa."
"Hmm. Pero bakit.. nag-Doktor kayo eh.. nasa linya ng law 'yong parents niyo?"
"Hindi ko rin alam eh." Natatawa niyang sabi. "Personal interest na lang din siguro."
Tumango na lang ako.
"May gusto ka pang malaman?"
"Ah.. pa'no mo nga pala ko.. nakita saka nakilala?"
"Ahh. Hindi ko pa nga pala nasasabi sayo, 'no?"
"Hm. Kung gusto mo lang namang sabihin."
Natawa siya.
"Naglalakad lang ako no'ng araw na 'yon nang makita kita sa hallway na ay kinakausap na mga Nurse. 'Yon 'yong unang beses na nakita kita. Saka ko lang nalaman na ikaw pala 'yong sikat na magandang Doktora ng general surgery division."
"Ugh."
"Eh syempre, nahihiya pa kong lumapit para makipagkilala kaya.. tinitignan na lang kita lagi mula sa malayo. Hanggang sa sinabi ko sa sarili ko na, kailangan ko nang lakasan 'yong loob ko at.. ayun. Gumawa ako ng paraan para magkakilala tayo."
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...