Sa Aking Gunita - Kabanata 38

13 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 38

Dalisay's POV

"Isay.."

Matutunaw ako.

Matutunaw na talaga ko.

Ngumiti lang naman siya tapos.. tapos.. hinalikan niya ko!

Uy teka lang hindi na normal 'yong tibok ng puso ko!

At teka nga lang, bakit hindi ako pumapalag?!

Lumayo lang siya saglit para ngumiti tapos hinalikan ulit ako.

Wait! Bakit hindi ako makapagreklamo at napapikit pa ko?!

'Di bale, hindi naman niya maaalala bukas 'to.

Sana ako din, makalimutan ko na lang 'to paggising ko.

Lumayo na kami sa isa't-isa at nakatulog na siya.

Ugh.

Hay. Pa'no ko naman magagawang mag-isip ng matino ngayon kung lasing 'tong kaharap ko?

Inuwi ko na siya sa kanila at nagulat pa si Manang Rona nang makitang ako 'yong nagdadrive.

Tinulungan naman niya kong ipasok si Hero sa loob ng bahay at sinalubong din kami nina Tito at Tita.

"Naku! Hero! Ano ka ba namang bata ka!" Natatarantang sabi ni Tita.

"Bakit naman naglasing ang isang 'to?" Tanong naman ni Tito at kinuha na si Hero para siya na ang mag-alalay.

"Naku Isay, pasensya na. Naabala ka pa nitong si Hero."

"Ah hindi po. O-okay lang po. Masyado lang po siya sigurong nag-enjoy sa party."

"Hm? Bakit may.. lipstick siya?"

Ugh?

Nanlaki 'yong mga mata ko at napatakip ng bibig. Baka kasi nasira 'yong lipstick ko at maghimala sila!

"Oo nga ano? Pula pa"

Tinignan nila ko.

"Ah.. baka po.. masyado lang talaga niyang na-enjoy 'yong party. Hindi ko naman po kasi siya nabantayan. Ha-ha-ha!"

"Bakit nakatakip ka ng bibig?"

"Po? Ah.. tumulo 'yong sipon ko. Ha! Ha! Ha!"

"Oh sige, kami nang bahala dito." Sabi ni Tito.

Wooh. Buti nakaligtas.

"Opo. Uuwi na rin po ako--"

"Ay hindi!" Bigla namang kontra ni Tita. "Ala una na ng madaling araw, delikado na sa labas! Isa pa, wala ka namang sasakyang dala, 'di ba? "

"Ah.."

"Sige na, dito ka na lang muna matulog. May mga gamit ka naman dito, 'di ba?"

Hay. No choice naman na din ako.

"Ugh. S-sige po."

"Oh sige sige. Mas mabuti nga 'yon kaysa naman mapa'no ka pa. Magpahinga ka na rin at dadalhin na namin 'tong si Hero sa kwarto niya. Kami nang bahala."

"O-opo."

Sinundan ko pa ng tingin si Hero.

Ugh. Lalo lang akong nabaliw ngayon.

Nag-ayos na nga ako para matulog at nahiga na pero gaya ng inaasahan, hindi ako makatulog! Paano ba naman, 'yong nangyari kanina na lang ang laman ng utak ko!

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon