Sa Aking Gunita
Kabanata 58
Dalisay's POV
Habang naglalakad ako dala-dala 'yong clipboard ko at napadaan sa lobby at napatigil ako nang makita ko si Hero na.. may kasamang babae.
Nagkukwentuhan sila at nagngingitian pa. Nakalagpas sila sakin nang hindi man lang niya napansin na nandito ako?!
Hah! Sino 'yong babaeng 'yon, ha?!
Ang lakas naman ng loob nila na dito pa talaga sa Ospital?!
Hah!
Teka lang, Isay. Kumalma ka nga muna. Hindi mo pa naman alam kung ano'ng kwento sa likod no'n.
Baka pasyente lang?
Tama. Baka pasyente lang.
Gano'n naman talaga makipag-usap si Hero sa mga pasyente.
Pero bakit ganito 'yong feeling? Hindi maganda.
Ah basta. Hindi ako dapat masyadong mag-alala. Wala lang 'yon.
Nakabalik na ko sa office at maya-maya pa, dumating na din si Hero.
Tinignan ko siya pero ngumiti lang naman siya at naupo na.
Hihintayin kong siya na ang magkwento tungkol do'n. I might sound immature kapag tinanong ko siya agad na hinala lang naman ang meron ako. Hahayaan kong siya na mismo ang magsabi.
Kaya ito, kinalimutan ko na lang 'yon dahil baka hindi naman malaking bagay.
Hinatid na rin niya ko pagkatapos ng duty.
Habang nasa biyahe, nag-ring 'yong cellphone niya. Tinignan niya pero hindi niya naman sinagot.
"Sino 'yon?" Tanong ko.
"Hm? Wala. Number lang eh. Baka kung sino lang 'yon."
"Baka naman maghalaga 'yon? Bakit hindi mo sagutin?"
"Nagda-drive ako. Baka mabangga tayo."
Hmm. Okay.
Bago matulog, binuksan ko pa rin 'yong diary sa pag-asang baka may nakasulat na. Pero wala.
'Yon na ba talaga 'yong huli? Pa'no ako makakabalik pa do'n? Tapos na rin ba? Hindi ko pa nga nagagawa 'yong gusto ni Maria Helena eh.
Napabuntong-hininga na lang ako.
Kinabukasan,
"Isay! Aahh~"
Biglang lumapit si Hero na may hawak na biskwit.
"Hm?"
"Aah~"
Kinain ko na lang din.
"Hm. Sa'n galing 'to?"
"Bigay ni Vino."
"Hmm."
"Ah. Mukhang.. lalo lang kumalat 'yong tsismis ah?" Sabi niya.
"Huh? Hay. Hayaan mo sila. 'Wag mo na lang pansinin. Kapag tinanong ka, eh 'di sabihin mo, hindi totoo."
"Madali ba talaga sayo'ng i-deny?
"Sympre hindi! Nakokonsensya din naman ako na nagsisinungaling sa kanila eh. Pero ano'ng magagawa natin? Kung ayaw nating mapagalitan at paghiwalayin ng shift, isisikreto na lang natin 'to."
Naging busy din ngayong araw. Kung pwede ko lang hatiin 'yong katawan ko para magawa lahat ng pinapagawa sakin, hinati ko na.
Nagmamadali akong maglakad habag may dala-dalang mga gamit nang may mga dumaang nagmamadali sa harap ko. 'Yong babae sa stretcher... oh?
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...