Sa Aking Gunita
Kabanata 41
Dalisay's POV
Paglingon ko... okay? Nasa Ospital na ko.
Ngumiti na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Sa di kalayuan naman, nakita ko si Hero na kinakausap ni Nurse Christy.
Oh 'di ba, nakakaloka.
Napatingin pa nga siya sakin at ngumiti naman ako bago nagpatuloy sa paglalakd.
Ano naman kayang pinag-uusapan ng dalawang 'yon? Malamang kinukulit nanaman no'n si Hero.
Natapos na 'yong duty ko at pauwi na sana ko nang biglang may kumalabit sakin kaya syempre, nilingon ko. Si Dr. Dylan.
"Pauwi ka na?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Sabay na kita? Narinig ko rin kasi 'yong about sa aksidente kaya.. wala pa 'yong sasakyan mo, 'di ba?"
"Ah hindi na. Okay lang. Magtataxi na lang ako."
"Okay lang naman sakin na sumabay ka. Para.. masiguro ko na safe kang makakauwi."
"Ugh. Hindi, okay lang talaga ko. Promise. Nakakahiya naman."
"Sige na. I insist. Hindi naman ako masamang tao, don't worry."
"Tsch. Okay nga lang--"
"Hindi kita titigilan hanggang hindi ka pumapayag. Kung ayaw mo, sasakay na lang din ako sa taxi na sasakyan mo."
Natawa naman ako. Mapilit ang isang 'to ah.
"Oh sige na, sige na."
Ngumiti siya.
"This way, Ms. Briones."
Napangiti at napailing na lang ako at saka sumunod sa kaniya pero napatigil nang makita ko si Hero na nakatingin samin.
Hay baka kung ano namang isipin nito--pero teka. Bakit naman mahalaga kung ano'ng iisipin niya.. 'di ba?
Ganito kasi 'yon eh, hindi naman porke't nangako ng walang kamatayang pagmamahalan sina Fidel at Maria Helena sa isa't-isa, kahit na sa pangalawa nilang mga buhay which is kaming dalawa ni Hero, eh susundin ko na, 'di ba?
May sarili akong pag-iisip at pakiramdam, hello.
Pwede pahingi muna ng konting time?
Umalis na nga kami ni Dr. Dylan.
"Mabuti naman naka-recover ka na sa nangyari at hindi nag-cause ng emotional trauma sayo."
"Sa dami na ng pinagdaanan ko, hindi ako magkakaro'n ng emotional trauma dahil lang sa aksidenteng 'yon." Biro ko.
Tinuro ko sa kaniya 'yong way pauwi sa bahay.
"Dito na?"
"Hm. Thank you--ah. Gusto mong pumasok muna sa loob?"
"Kung.. okay lang."
Ngumiti ako at niyaya ko nga muna siya sa loob. Nakakahiya naman kasi kung paaalisin ko siya agad, 'di ba?
"Good evening Ma'am--oh." Bati ni Manang Julie na nagulat nang makitang may kasama ko.
"Good evening. Si Dr. Dylan po, kaibigan ko."
"Ahh good evening po, Doc. Pasok po kayo."
Pumunta muna kami sa kusina at naghain naman si Manang Julie ng juice at sandwich.
"Mag-isa ka lang dito?" Tanong niya.
"Hm. Kaming dalawa ni Manang Julie."
"Bakit? Nasa'n 'yong mga magulang mo o.. kapatid?"
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...