Sa Aking Gunita - Kabanata 55

13 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 55

Dalisay's POV

Sunod kaming nagpakain ng mga coy fish.

"Woah! Woah! Nandito na silang lahat! Tignan mo!" Sabi ko. "Hala, bakit ang taba no'ng isa? Oohh! Hero! Dito ka dali! Dali!" Hinila ko pa siya palapit sakin.

"Mukhang nag-eenjoy ka talaga ah?"

"Eh 'di ba nga? Ganito naman 'yong mga gusto kong gawin sa tuwing lalabas ng bahay."

Ngumiti siya.

"Ano ba'ng ginagawa mo, bakit hawak mo lang 'yong pagkain, ayaw mong ibigay sa kanila?" Natatawa kong sabi.

Dito na din naman kami kumain. May mga restaurants din kasi sa gilid tapos 'yong mga lamesa, nasa labas kaya madadama mo 'yong hangin.

"Simula no'ng kinasal si Sean wala na kong narinig mula sa kaniya. Kamusta na kaya siya 'no?" Sabi ko.

"Bakit mo naman iniisip 'yon? Sabi ko 'di ba--"

"Syempre, curious lang kung.. ano'ng klaseng buhay na 'yong meron siya ngayon kasi pinakasalanan niya 'yong babaeng hindi niya naman mahal. Kung ikaw? Gagawin mo din ba 'yon?"

"Ang alin?"

"'Yong.. piliin mong magpakasal sa babaeng hindi mo naman mahal dahil lang sa pera. Dahil kailangang-kailangan mo ng pera."

"Syempre hindi! Kulang lang talaga sa brain cells 'yong taong 'yon. Pwede naman siyang humanap ng ibang paraan eh."

Natawa naman ako.

"Tama. Hindi lang talaga siya nag-iisip--hmm! Ang sarap nito! Tikman mo." Sinubuan ko siya ng grilled pork. "Oh?"

"Oo nga! Ang tagal sigurong binabad nito 'no?"

"Hm!"

"Gusto mo pa?"

"Hindi, sige na. Kainin mo na 'yan."

Umiling ako.

"Hati tayo."

Natawa naman siya.

"Wow. Ang ganda ng panahon ngayon 'no? Perfect talaga para lumabas."

"Alam mo ba doon sa past, madalas ganito 'yong panahon. Masarap pa nga 'yong simoy ng hangin do'n kasi wala pang masyadong polusyon."

"Hindi ka pa ulit nakakapunta do'n, 'no?"

Umiling naman ako.

"Hindi pa. Kaya nga.. nakikiramdam din ako kasi baka biglang ngayong araw, 'di ba? Kung kailan naman nasa date tayo. Sa totoo lang, kinakabahan ako."

"Saan?"

"Magulo na nga kasi do'n. Napaghinalaan na 'yong mga myembro no'ng samahan. Nakakatakot kung.. ano 'yong maaabutan ko do'n pagpunta ko. Ah! Alam mo ba, wala nang kasunod 'yong mga nakasulat do'n sa diary."

"Pa'nong wala na?"

"'Yong huli kong nabasa, 'yon na 'yong huling nakasulat. Nabuksan ko na 'yong mga sunod na pages pero wala nang nakasulat do'n."

"Ano namang ibig sabihin no'n?"

Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko rin alam."

"Eh 'di kung makakapunta ka do'n, pwedeng 'yon na 'yong last?"

"Posible. Kaya lang.. hindi pa kasi nangyayari 'yong sinasabi ni Maria Helena na kailangan kong baguhin. Ah 'di bale, malalaman ko din naman."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon