Sa Aking Gunita
Kabanata 39
Hero's POV
Lumabas ako ng kwarto pero nagulat ako na nandito si Isay!
Lumabas siya galing sa kabilang kwarto.
Teka, dito siya natulog?!
Nagkagulatan pa kami sabay iwas ng tingin.
Hay. Paano ko siya kakausapin?!
"Oh Isay! Hero! Gising na pala kayo. Halika na, mag-almusal na tayo. Hero, ginawan kita ng sabaw. Higupin mo habang mainit pa. Halika na, Isay." Hinilia na siya ni Mama papuntang kusina.
Habang kumakain, ramdam na ramdam 'yong awkwardness sa atmosphere.
Ugh. Akala ko pa naman, mapapadali ng alak ang sitwasyon ko pero parang lalong humirap. Ang hirap magpaliwanag eh! Ano'ng sasabihin ko?
"Kamusta naman 'yong party?" Tanong ni Mama. "Halatang na-enjoy mo talaga, Hero ah?"
Ako? Ahh. Dahil umuwi ako nang lasing na lasing?
"Halatang-halata! May pulang lipstick ka pa kaya pag-uwi mo dito kagabi! Akala mo yata sa club ka nagpunta?"
Sabay kaming napaubo ni Isay. A-ano? Pulang lipstick--ugh.
Hay! Nakakahiya! Gusto ko nang lumubog ngayon sa kinauupuan ko!
"Oh ano'ng nangyari sa inyong dalawa? Okay lang kayo?"
Uminom muna si Isay bago nagsalita para ibahin 'yong topic. Buti na lang magaling siya sa gano'n.
"Ah nako Tita, marami po kaming napagkwentuhan ng mga old friends namin do'n kaya nag-enjoy kami sa party. Ha-ha!"
Hanggang sa napansin nila na hindi kami nag-uusap kaya syempre, tinanong nila kung bakit o kung may problema ba.
Alam kong ako 'yong dapat na maunang makipag-usap kay Isay kaya lang hindi ko alam kung pa'no ko sisimulan.
Alam kong nagtataka din siya at napapaisip kung bakit ko sinabi 'yong mga 'yon at kung bakit.. ko ginawa 'yon.
Sa Ospital, hindi pa rin niya ko pinapansin. Hidni ko alma kung galit ba siya sakin o ano.
Natural lang naman na maging ganito kami ka-awkward pagkatapos no'n eh. Ramdam kong naghihintayan lang kami kung sino ang unang makikipag-usap.
Naglalakad ako nang nakatulala dahil sa pag-iisip nang may makasalubong akong--ugh. Si Isay.
Nakayuko siya kaya hindi niya alam na ako 'yong nasa harap niya at nagpapatintero kami ngayon sa daan. Hanggang sa nainis na siya at tumingin kung sino'ng nasa harap niya na ikinagulat niya pa.
Natawa pa ko no'g bumalik na lang siya sa kung saan siya nanggaling imbis na dumiretso kung saan talaga siya papunta.
"Magkaaway kayo ni Dra. Isay?"
Biglang nagsalita si Dra. Lia na nasa tabi ko na pala.
"Ah.. hindi. HIndi naman kami.. magkaaway."
Naglakad na lang din ako.
"Hi Doc Hero!"
Nakasalubong ko si Nurse Christy.
"Hm."
"May problema po ba? Bakit parang wala ka yata sa mood ngayon?"
"Huh? Ah hindi naman. May iniisip lang."
"Nakasalubong ko nga pala si Dra. Briones. Mukhang.. wala din siya sa mood ngayon."
"Oo nga. Dahil sakin--"
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...