Sa Aking Gunita
Kabanata 34
Hero's POV
Kinagabihan nga, kumain kami ng dinner ni Nurse Christy sa isang restaurant.
Patingin-tingin ako sa paligid kasi baka may makakita samin at ano pa ang isipin.
"May.. problema ba, Doc? May hinihintay ka ba?"
"Huh? Ah.. wala, wala."
"Alam mo Doc, maisasama ko na siguro 'yong gabing 'to sa listahan ng mga masasayang gabi sa buhay ko kasi, finally, finally pumayag ka na ring kumain sa labas kasama ko."
Ngumiti lang ako.
"Sa daming beses ko ba namang kinulit ka, ngayon ka lang pumayag. Siguro pumayag ka kasi sobrang kulit ko na 'no? Effective! Pinaghandaan ko nga talaga 'to eh. Bagong pabango at lipstick pa 'yong ginamit ko. Eh aware ka naman na Doc na matagal na kitang gusto, 'di ba? Hindi naman na ko nahihiya do'n."
Sige, siguro.. dapat ko muna siyang pakinggan sa mga gusto niyang sabihin.
"Sinabi mong may nililigawan ka na, pero.. wala namang nanliligaw sayo, 'di ba?"
"Ano?"
"Pwede kong gawin 'yon!"
Ugh?
"Nurse Christy--"
"Gustong-gusto kasi talaga kita, Doc. Kahit ano! Kahit ano, gagawin ko para lang magustuhan mo rin ako."
Napatawa naman ako ng kaunti.
"Alam mo, nakakahiya kasi.. parang mas matapang ka pa kaysa sakin." Sabi ko.
"Hm?"
"Wala."
Tungkol kay Isay. Hindi ko nga 'to magawa sa kaniya eh.
"Ah. So.. ayun nga Doc, sobrang.. kinakapalan ko na 'yong mukha ko. As in."
Ngumiti lang siya.
Tapos na kaya siya?
Mukhang tapos na nga.
"Ah.. Nurse Christy?"
"Hm?"
"'Yong tungkol do'n sa.. babaeng nililigawan ko."
Tumango siya na nagtatanong ng sunod.
"Hindi 'yon totoo."
"Huh?"
"Wala talaga kong nililigawan."
Napangiti siya.
"Pero.. may babaeng matagal ko na talagang gusto."
Bigla naman nawala 'yong ngiti niya.
"Matagal na. Patago ko siyang minamahal na sa loob ng maraming taon, ni isang beses hindi niya nahalata. Kasi kaibigan lang 'yong tingin niya sakin."
"S-sandali. Pwedeng manghula kung sino?"
Tinignan ko lang siya.
"Si.. Dra. Briones ba?"
Ilang segundo bago ako tumango tapos nagbuntong-hininga siya.
"Sabi ko na nga ba."
"Hm?"
"Kasi imposible naman talaga na matagal na kayong magkaibigan tapos ni isa sa inyo, wala man lang naramdaman 'di ba? Saka.. ayoko lang aminin pero nakikita ko sa mga mata mo kapag tinitignan mo siya. Inisip ko na baka normal lang 'yon kasi matagal na kayong magkaibigan pero ngayon, na-confirm ko na may iba nga talaga."
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...