Sa Aking Gunita
Kabanata 63
Hero's POV
Nalaman ko rin na usap-usapan na nga 'yong tsismis tungkol saming dalawa ni Isay. Narinig na rin kasi niya.
"Kahit na. Nakakainis pa rin na pinag-uusapan nila 'yong tungkol sa mga bagay na wala naman dapat silang pakialam." Tinignan niya ko. "Gano'n ba talaga ka-obvious para mapag-usapan 'yon ng gano'n?"
"Siguro nga? Baka kasi.. halata talaga na nagbago 'yong mga kilos natin."
"Eh ano'ng gagawin natin?"
Ngumiti qko
"Wala. Hahayaan lang natin sila."
Ngumiti din naman siya at tumango.
Hindi naman namin bigyan ng oras 'yon. Bahala na lang sila kung ano'ng gusto nilang isipin. Hindi naman nila malalaman hangga't hindi namin inaamin 'yong totoo.
Nagrarounds ako at sumama si Vino.
"So, totoo nga?"
"Ano? Ang alin?"
"Na kayo na ni Dra. Isay?"
"Hay! Ano ka ba? Bakit ba ang bilis bilis mong maniwala sa mga tsismis? Kung gusto kong malaman 'yon, sana samin ka nagtatanong. Hindi 'yont nagre-rely ka lang sa mga naririnig mo sa kung sinu-sino."
"Eh ano nga?"
"Hindi." Parang.. ang showbiz naman na dine-deny namin ng ganito. Ang hirap kayang ideny! Hindi naman namin kinakahiya 'yong isa't-isa pero kailangan naming itago.
"Weh?"
"Weh?! Ugh. Ako na mismo 'yong nagsasabi, hindi ka pa rin naniniwala? Mas naniniwala ka pa sa mga tsismis?"
"Okay, okay! 'Wag ka namang mahalit diyan, Doc. Pero.. eh ano naman kung kayo na, 'di ba? Wala namang masama do'n eh. Okay lang 'yon. Naiintindihan ko na kung sakaling totoo nga 'yon, eh kailangan niyong itago."
Hindi naman ako sumagot.
"Ang cute kaya no'n? 'Di ba matagal na kayong magkaibigan? Tapos napunta rin sa.."
Siniko-siko niya ko.
"Ugh. Ano ba'ng ginagawa mo?"
"Uy! Uy!"
"Tsch."
"Eh bakit ka ngumingiti? Uy, kinikilig! Kinikilig!"
"Hay! Vino! Kapag hindi ka pa tumigil, hindi kita isasama.
"Opo! Sorry po!"
Hay para talaang bata.
Nakasalubong naman namin ngayon si Nurse Christy.
"Doc Hero!" Naka-simangot niyang sabi sabay lapit sakin.
"Oh? Bakit?"
"Totoo ba? Totoo ba ang kumakalat na balita?!"
"Hm?"
"Totoo bang girlfriend mo na si Dra. Briones?!"
"Ah--"
"Hay! Duguan nanaman ang puso kong umaasa!"
"Ugh. Wala pa naman akong sinasabing totoo nga--"
"Kahit na! Noong nag-usap tayo, sinabi mo na siya 'yong babaeng matagal mo nang gus--"
Tinakpan ko na 'yong bibig niya bago pa siya magsalita ng kung ano!
"Ano? Matagal mo nang ano, Doc?"
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...