Sa Aking Gunita - Kabanata 15

28 3 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 15

Dalisay's POV

"Wala akong kasalanan! Wala akong kasalanan!"

"Tranquilo! Tienes que pagar por tu pecado!"

"¡Déjame ir! ¡Déjame ir! No hice nada malo! Señor! Por favor!"

"¡Cállate! Si no te callas, te cortaré la lengua! Tu padre se escondío y te dejó. ¡Es un traidor! ¡¿Esperas que te pongamos fácil?!"

"Ahh!!"

"¿Por qué no nos dices dónde está para que puedas morir juntos?"

"Ugh!" Napadilat ako at nagising mula sa napakasakit sa dibdib na panaginip na 'yon.

Paggising ko, may tumutulong luha pa galing sa mga mata ko.

Sobrang sakit sa dibdib ng panaginip na 'yon.

Nasa loob ako ng isang selda. Sugatan. Meron akong gustong sabihin, meron akong gustong patunayan pero ayaw nila kong pakinggan. Gusto kong patunayan pero hindi ko alam kung pa'no. Ayaw nila kong paniwalaan. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko.

Naupo ako at nagpunas ng luha.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito dahil lang sa panaginip.

Habang nag-aalmusal, iniisip ko kung ano'ng ibig sabihin no'n. Bakit ako--si Maria Helena, nandoon? Nangyari kaya talaga 'yon?

Hindi naman kasi ako marunong mag-Spanish kaya hindi ko naiintindihan 'yong mga sinasabi do'n sa panaginip ko.

Naalala ko rin 'yong nabasa ko sa diary kagabi.

Base sa pagkakaintindi ko, hinahangaan na ni Maria Helena si Fidel ng patago no'ng mga panahong 'yon. Pero ako, na napunta doon bilang si Maria Helena, wala naman akong nararamdaman.

Talaga ba'ng.. mababago ko 'yong mga nangyari sa pagpunta ko do'n?

Ah! Kailangan ko nang magbasa! Baka ma-surprise nanaman ako sa mangyayari.

Kinuha ko sa kwarto at dinala dito sa kusina at saka nagbasa.

Hmm. Okay, game.

Hulyo 11, 1896

Isang magandang umaga ang bumungad sa akin. Rinig na rinig ko ang huni ng mga ibon. Abala si Ina sa pananahi kasama si Manang Liliang. Sina Prospero at Emilia ay gumagawa ng saranggola. Si Kuya ay abala sa pagbabasa, na kasalukuyang nagpapagaling pa rin ng kaniyang sugat. Si Ama naman ay umalis. Hindi ko alam kung saan siya patungo. Hindi na ako nagtanong pa dahil kagagalitan nanaman ako ni Ina.

Magkasama kami ni Gabriela na namasyal. Binabati kami ng mga guardia civil na batid kung sino kami kaya naman hindi kami gaanong natatakot gayo'ng alam naming walang maglalakas loob na kami'y saktan.

Kinagabihan, mayroon akong hindi inaasahang bisita...

Teka, teka.

Teka lang! Ano daw?!

Ugh.

Pumasok na sa trabaho at nagulat nang si Sean ang una kong nakita. Hay. Hindi pa rin ba siya titigil?

Nakita ko siyang nakaupo sa isang gilid na may dalang mga bulaklak pero hindi niya ko nakita dahil nakayuko siya.

Kaya naman nakalagpas ako sa kaniya nang hindi niya ko napapansin.

Okay lang ba na pabayaan ko siya do'n?

May naka-scheduke akong i-assist na abdominal myomectomy surgery ngayong umaga kaya pagkabihis ko, dumiretso na ko sa briefing room. Si Dr. Perez ang ia-assist ko ngayon.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon