Sa Aking Gunita
Kabanata 53
Hero's POV
Nablangko na 'yong utak ko. Ang gusto ko na lang ay ang makaamin na kay Isay ng totoo.
Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay nasabi ko na pero may isang bagay na nangyaring hindi ko inaasahan.
Sinabi niyang mahal niya din ako.
Dumoble yata 'yong bilis ng tibok ng puso ko no;ng marinig kong sinabi niya 'yon.
Hindi ako makapaniwala!
Hindi ko inaasahan na gano'n din pala ang nararamdaman niya. Nakahinga ko ng maluwag at para talagang may mabigat na bagay ang naalis sa dibdib ko.
Mahal ako ni Isay.
Totoo ba talaga 'yon? Hindi naman ako nananaginip, 'di ba?
Sa tagal ng panahon na tinago ko 'yon, sa wakas nasabi ko na rin. Tapos ngayon sinabi niya ring mahal niya ko. Ako na yata ang pinakamasaya ngayon!
Hindi ako makatulog ng ayos at hidni na mawala-wala 'yong mga ngiti ko sa labi.
Pero siguro ngam nasa tamang timing lang ang lahat.
Girlfriend ko na si Isay.
Girlfriend ko na ang bestfriend ko!
Wow.
Kaya lang nandito pa din naman si Dr. Epal. Sabi ni Isay lilinawin na din naman niya sa kaniya ang lahat. Nagawa lang naman daw niyang pumayag na makipag-date sa Dr. Epal na 'yon eh para magpa-distract sa gulo na din ng isip niya.
Sigurado naman na ko ngayon. Hindi na ko nagdududa kung panaginip lag ba 'to. Totoo nga talaga.
Grabe para pa rin akong lumulutang at nag-iba bigla 'yong hangin sa paligid.
Kinailangan muna naming itago sa trabaho dahil bawal 'yon. Pero kina Mama at Papa, inamin na namin.
Syempre naman, tuwang-tuwa sila at halos hindi rin makapaniwala!
Pagkabalik ko galing sa paghatid kay Isay, nilapitan agad ako nina Mama.
"Totoo ba talaga?"
"Ma." Natatawa kong sabi. "Sa tingin niyo po ba magjo-joke kami tungkol sa bagay na 'yon?"
Ngumiti sila.
"Alam mo Hero, ito 'yong pinakahinihintay talaga naming mangyari. Alam mo naman kung ga'no namin kagusto si Isay para sayo, 'di ba?"
"Alam mo, bagay na bagay naman kasi talaga kayo at sobrang kilala niyo na ang isa't-isa na wala na kayong maitatago pa. Sana.. maging matatag 'yong relasyon niyo. Kapag nag-away kayo, kahit siya 'yong mali, mauna ka nang magpakumbaba. Lagi kong ginagawa 'yan sa Mama mo!"
Siniko siya ni Mama at natawa kami.
"Sana.. future manugang ko na si Isay, ano? Ha-ha-ha!"
"Talagang hindi ko na pakakawalan si Isay. Hindi na ko papayag. Hindi ko nakikita 'yong sarili ko na tumanda kasama ng iba bukod sa kaniya."
Ngumiti sila.
"Pero syempre, ieenjoy muna namin 'to. Marami pa siguro kaming dapat na pagdaanan bago ko siya ayaing magpakasal."
Tumango naman sila.
"Naku. Dapat tayong magcelebrate! Family dinner, ano? Syempre kasama si Isay!"
Natawa naman ako.
"Sige po. Sasabihin ko sa kaniya."
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako lulutang at kung kailan ko sasabihin sa sarili ko na hindi ako nananaginip.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...