1

424 13 0
                                    

"I love you." Nakayuko kong pag amin sa kanya.

Natawa naman sya ng nakakaloko. "Alam mo ba sinasabi mong bata ka?" Napapa-iling pa sya.

"Oo. Alam ko. Mahal kita kahit noon pa." Sa kanya lang kaya bumibilis tibok ng puso ko.

"Do you know how fuck up I am?" Napatingin ako sa kanya. Tumaas kasi ang boses nya. "Tangina!"

"Tanggap ko naman kung ano at sino ka ah?" Kahit ano pa ata malaman ko na kalokohan nya tanggap ko. Alam ko nga na kung sino sino inuuwi mong babae gabi gabi e. Tanggap ko pa din naman. Mahal pa din kita.

"Tangina talaga." Napupuno na sya sakin. "Wala pa sa kalingkingan ng mga kalokohan ko ang alam mo Pia! Di mo pa nakikita kung gaano ako kademonyo kaya tigilan mo yang ilusyon mong kilala mo ko."

"Bakit di mo ko subukan? Sige. Subukan mong sabihin sakin lahat ng kalokohan mo, kung magbago ang pagtingin ko sa'yo e di lalayo ako." Naiinis na din ako. Ano ba kasi problema nya? Bakit di nya matanggap na mahal ko nga talaga sya. "O kaya bakit di mo ko subukan maging girlfriend?" Lakas loob kong sabi sa kanya.

Nang-uuyam naman nya akong tinignan. "Di ka talaga titigil hanggat di kita nasusupalpal no? O sige. Eto makinig kang mabuti Bata! Una di kita magugustuhan kasi makulit ka. Pangalawa, di ako pumapatol sa nene. Pangatlo, di mo kaya ang ginagawa ng mga tipo kong babae. Baka humiyaw ka pa ng wag po kuya, hawakan pa lang kita!"

"Bakit? Ano ba ginagawa nyo? Ano ginagawa nyo na di ko kayang gawin sa'yo Lord?" Nakakapikon na! Bakit ba nya ako sinasaktan ng ganito.

Hinawakan nya ako sa braso. Mahigpit. Masakit. Tinignan ko sya at nanlilisik ang mga mata nya. "Demonyo ako sa kama Pia! Baka daliri ko pa lang pinapasok ko sayo umiiyak ka na."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? Ano ipapasok nya sakin? Saan?

"Tignan mo, sinasabi ko pa lang sa'yo pero ang mukha mo parang nakakita na ng multo." Nakangisi nya akong pinakawalan. "Kaya lubayan mo ko Neng! Baka di kita matantya. Makalimutan kong kapatid ka ng kaibigan ko!"

"Hindi ako aalis hanggat di mo ko sinasagot ng maayos! Mahal nga kasi kita Lord Stephen! Ano ba?!" Umiiyak na sabi ko.

"Lalayas ka dito sa shop ko o kakaladkarin kita palabas?!" Galit nyang tinuro ang pinto. "Pagabi na Pia! Umalis ka na! Madami ng adik sa labas!"

Tinulak na nya ako palabas ng shop nya. Kakatulak nya, nasalabit ako at nagkaroon ng sugat sa may braso.

"Aray!" Napahawak ako sa braso ko. At parang naubusan naman ako ng dugo ng makita kong dumudugo ito.

"Nak nampucha o! Yan na sinasabi ko e!" Hinila nya ako pabalik sa loob ng shop. Pinaupo nya ako sa bakanteng silya. "Tangina naman Sophia! Papatayin ako ng kuya mo e!"

Linilinis na nya ang sugat ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang amo ng muka nya. Wag lang talaga sya magsasalita e. Kung ano kasing kinabanal ng pangalan nya, syang kinadumi ng mga salitang lumalabas sa bibig nya. Bawat sentence may mura. Lagi pang nakaangil.

"Ihahatid kita sa inyo pagkatapos nito." Linalagyan na lang nya ng band aid ang sugat ko.

"Wala ba talagang kahit konting pag-asa na magustuhan mo ko Lord?" Nakatitig pa din ako sa kanya.

"Tumigil ka na." Tumayo na sya at binalik na lahat ng ginamit nya. "Tara na." Nauna na syang pumunta sa kotse nya.

Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. So bad boy.

Habang bumabyahe ay di man lang sya ni minsan nagsalita. Sa daan lang talaga sya nakatingin.

"Bakit?" Di ko matiis ang katahimikan. Tumingin naman sya saglit sakin. Tingin na nagtatanong kung ano na naman ang pinagsasasabi ko. "Bakit di mo ko kayang gustuhin? Bakit feeling ko simula pa lang na nakita mo ako noon, ayaw mo na sakin? Iniiwasan at lagi kang naka-angil pag kinakausap mo ako?"

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon