53

92 3 1
                                    

"Yung totoo, Ateng. Ano 'tong pasurprise visit mo?" Pangungulit sa akin ni Agua.

Yes. I'm here in Manila. Explanation? I don't know. Basta pagkatapos ko mabasa ang text ni Lord, I booked a flight. Then sent an email to my boss stating that I have an emergency and I need to go to Manila.

"Namiss ko nga si Yago." Sabi ko without looking at Agua.

"Inaasahan mo talaga na maniwala ako sayo?" Nararamdaman ko ang pang-iinis nya.

"Bahala ka dyan." Kilala ako masyado ni Agua para magsinungaling ako sa kanya.

"Nasan si Stephen?" Masuspetsa nyang tanong habang tumitingin sa mga damit dito sa botique.

Nang dumating ako kaninang umaga, gulat na gulat si Mommy. Though I really saw happiness in her eyes.

Buong araw ay nasa bahay lang ako, waiting for Lord to come pero wala. He texted me, though. And I knew that he's in Laguna. Siguro umaasa lang ako. Because I really wanted to see him. Kaya nung sumapit na ang gabi na sa tingin ko pauwi na sya, nag-aya ako kay Agua magmall kahit na nga ba di ko talaga alam kung pauwi na sya. Last text nya was during lunch. Gusto ko lang sya takutin.

"Laguna." Walang gana kong sagot.

"Sino kasama?" Alam ko na nakukuha na ni Agua ang nangyayari.

"Ewan ko." Hindi ko naman talaga alam kung sino kasama nya. O kung kasama nya yung may-ari ng gagawing resort.

"Ewan ko ka dyan!" Naka-irap nyang sabi.

Habang naglalakad kami ni Agua sa department store, tumunog ang cellphone ko. Nagkatinginan pa nga kami.

"Tignan mo na kung sya. Kesa nakatunganga ka dyan." Sabi ni Agua sabay lakad palayo.

Tinignan ko naman at sya nga. I'm torn between answering and not. Nahahati din ang pakiramdam ko sa pagiging excited at sa pagkainis. At mas nanaig ang huli.

So I just put it back in my bag at tinulak na ang stroller ni Yago papunta kay Agua.

My phone kept on ringing pero di ko pinapansin. Tingin na ng tingin sakin si Agua.

"Tinamaan ka na naman ng kabaliwan 'no?" He said. "Tapos may padrama ka pang 'I miss Yago', wag nga ako!" Napapailing nyang patutsada sa akin. "So ano ang drama ngayon?" Tanong nya habang tumitingin ng mga damit.

I kept my silence. Hindi ko din kasi alam kung bakit nag-iinarte ako ng ganito e. I mean, hindi ko alam kung may basehan ba 'tong selos na nararamdaman ko.

"Sino kasama ni Stephen sa Laguna?" Natumbok agad ni Agua e. Ibang klase talaga 'tong bakla na 'to.

"Hindi ko nga alam." Just to be fair, di ko naman talaga alam kung kasama nya yung kausap nya kahapon.

"Ipokrita!" He said, umiiling-iling na may kasamang ngising aso.

Sasagot na sana ako pero phone naman nya ang nagring.

"Di ko pa tinitignan pero ramdam kong may pagkasintu-sinto 'tong tumatawag sakin." Sabi nya. Ramdam ko din. Kinuha nya ang phone nya at tumingin sakin. "Bubuga na naman ng apoy ang dragon."

I walked away. Bahala sila mag-usap.

Ngayon lang sya nakauwi? Naiinis kong tanong sa sarili. Kung di ako dumating, buong araw na naman na walang magulang si Yago. Hindi naman pala nya maaalagaan tapos kinuha kuha nya pa sakin.

Habang naglalakad, kitang kita talaga ang pagka-irita ko. Hanggang sa makapunta kami sa isang restaurant ay di maipinta ang pagmumukha ko.

"Siguraduhin mo lang na mapapanindigan mo yang pag-arte mo na naiinis ka ha? Baka mamaya isang kalabit lang bukas bulaklak na naman." May mga kaibigan talaga na gagatungan pa yung inis mo e. Sa akin, si Agua ang gaas na nagpapadagdag ng apoy sa inis ko.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon