Naiwan akong tulala sa office ni Lord. Hindi ko lang alam paano magrespond sa sinabi nya. OA naman kasi ng reaction nya. Wala naman sa isip ko na iiwan ko sya. Assuming ang lolo mo! I was even planning to fight to whoever wants to steal him. Kaloka sya. Masyadong naging madrama.
Okay, yes. I'm kinda scared na baka nga may past sila nung babae dahil na din sa mga nabasa ko. I'm scared dahil baka she's more deserving than me. Nasa katawan ko na ngayon ang insecurities na baka may something sila. PERO! Di naman sumagi sa isip ko na ipamigay sya. Sobrang exag nya lang.
Nagulat naman ako dahil biglang bumukas ang pinto. It is Lord's secretary.
"Ma'am kukunin ko lang po yung files na kailangan ni Sir." He said.
"Okay." I just stared at him.
"Ahm." He wanted to say something. "Ma'am may gusto po ba kayo inumin or kainin? Para po kunin ko pagkatapos ko dalin 'to kay Sir." Nahihiya nyang sabi.
"I'm good, George." I smiled at nakita ko naman na nanlaki ang mata nya. Maybe he didn't expect that I know him.
"Ah, okay po. Pero kung may i-uutos po kayo, nasa labas lang po ako after ko dalin' to kay Sir." He politely said and exited.
Nung una, naka-upo lang ako and just stared at the ceiling. I'm thinking deep. I'm thinking of what should I do to keep a calmer Lord. Kapag kasi badtrip na si Lord, ang hirap na pakalmahin. Ang hirap amuin. Hanggang sa nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako dahil linamig na ako. I thought, I'm still alone pero pagtingin ko sa table ni Lord, nakita ko na sya. He's looking into papers again. Nakakunot ang noo. May mga isinusulat. May mga linilinyahan. Very serious. Very hot.
"You're done with your meeting?" I asked as I sit down. Matagl tagal din pala akong nakatulog.
"Oo." He answered without looking.
"I need to use the comfort room, saan ba?" Lord is not in the mood to answer me properly kaya tinuro na lang nya.
Habang nasa loob ako at naghihilamos, iniisip ko kung paano na naman kami ni Lord. Mainit na naman ang ulo nya. Mahirap na naman makipag-usap nito. Bahala na nga. Wala naman ako ginawa sa kanya, arte nya.
"Matagal ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng CR.
"Tara na." Sagot nya habang rinorolyo ang mga blueprints sa harap nya.
I stayed standing and waited for him. Ni hindi man lang ako sinusulyapan ng tingin. Tumayo at derederetso palabas. OA nya talaga!
"Tara na!" He commanded George.
Nagkukumahog naman na inayos ng pobreng sekretarya ang mga gamit sa ibabaw ng table nya.
"Si Yago?" Tanong ko habang nag-iintay na ng elevator.
Hindi naman ako sinagot ni Lord. Inirapan pa ko.
"Ah, Ma'am nasa baba na po. Kasama na po ang nag-aalaga sa kanya." Si George na ang sumagot. Nginitian ko naman sya.
Nag-uumpisa na akong mainis kay Lord, sa totoo lang. Hindi lang dahil napapahiya ako, naiinis na din kasi ako sa mga akto nya ng wala man lang batayan. Natrauma na din kasi sa mga arte mo, Gorl!
Pagbukas ng pinto ng elevator, bumungad sakin ang tili ni Yago. Tuwang tuwa ang bata na naglalaro sa lobby. Ang laki nga naman kasi ng playground nya.
Nakita ko din si Ate Yolly na nakabantay kay Yago.
"Mama!" Tumakbo sya papunta sa akin. Hinila ako at dinala sa isang malaking Christmas tree na nasa gitna ng lobby nila Lord. "Tree! Tree Mama! Biiiiiig!" I can see amazement on Yago's eyes.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...