Naging busy ako sa hotel kaya nawala kahit papaano ang isip ko sa mga nangyari kaninang umaga. Kahit may panaka-naka akong pagkatulala, maayos naman ang naging araw sa trabaho.
It was Agua's off, pero sabi nya magmall daw kami pag-out ko. I'm not expecting Lord to fetch me anyway. Galit sya e. Kaya si Agua na ang sumundo sakin.
"Ano ba bibilin mo?" Bungad ko sa kanya pagkasakay ko sa kotse nya.
"Two piece." Maarte nyang sabi na nagpataas ng kilay ko. "Cheret! Pero basta, yung susuotin ko sa Bora." Shocks! Muntik na mawala sa isip ko!
"Agua." Di na ako mapakali sa pagtawag ko sa kanya. Liningon lang naman nya ako saglit then bumalik na sa kalsada ang tingin nya. "Do you think, nakapagbook na si Owen?"
"Hindi pa yun." Siguradong siguradong sagot nya. "Sabi ko kasi, confirm ko muna sa kanya kung okay na ang leave natin bago sya magbook."
Nabunutan naman ako ng tinik sa narinig ko.
Agua looked at me suspiciously. "At bakit mo tinatanong?!"
I have no choice but to tell it to Agua. "Lord wanted me to go with him. Sa Palawan daw." Nabwibwisit pa din ako pag naaalala ko how he decided for me!
"So?" Nag-aalinlangan nyang tanong. "Anong plano mo?"
Napag-isipan ko na to ng mabuti. Akala ng Lord na yun ma-iisahan naman nya ko. "Can we gotm to Palawan, instead of Bora?"
Nanlalaki ang mata ni Agua. "Hala ka! Pagsasamahin mo si Stephen at Owen?" Napapa-iling sya. "No can do, Dear! Baka masayang ang kagwapuhan ng future jowa ko at jombagin ng jowa mong tinubuan ng selos sa bawat parte ng katawan!"
"I'll handle Lord." May kompyansa kong sabi. "He won't do anything to Owen."
"Ay naku Sis ha? Sinasabi ko sa'yo!" Diskumpyado pa din nyang sagot. "Kayang kaya tumepok ng jowa mo! Pag nategi sa bansa natin si Owen, headline yan!" Sakto naman nasa parking lot na kami.
"Basta! Ako bahala sa lalaking yun." Lakas ng loob ko e no?
As we walk inside the mall, bigla akong nagutom.
"Agua, gusto ko ng pizza." Umabrisyete pa ako sa kanya. "Kain muna tayo bago ka magshopping." Paglalambing ko pa.
"Saan mo ba gusto?" Tanong naman nya.
So, I look around. Ang dami naman pagpipilian. Hmmm. "Doon na lang." I chose a classic restaurant that offers different kind of food. Isa na din sa specialty nila ay ang thin crust pizza.
Umupo na kami nung nagkaroon na ng available table and I check their menu immediately. Nagpuso naman ang mata ko sa dami ng choices. I don't know what to order!
"Ano na order mo?" Naiinip na tanong ni Agua.
"One salmon pizza." I said. "Ikaw?"
"Steak ako." He said. Umalis na yung waiter and Agua looked at me again. "Girl!" Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Bakit parang namumutla ka?"
"Ha?" Bigla ko nahawakan ang mukha ko. "Baka haggard lang ako today. Alam mo naman yung meetings ko."
"Aba e di mag vitamins ka. Ang putla mo kaya. Parang di kayo nagkikita ni Haring Sun!" Umiirap nya pang sabi.
"Grabe! Di lang ako nakapag retouch bago umalis ng hotel." Na conscious ako tuloy. Kaya nag-retouch na ako.
"Agua-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
"Pia?" Napataas naman ako ng tingin dahil sa tumawag sakin. "Kanina pa ako text ng text! Kanina pa kita tinatawagan!" Iritado na naman sya.
"Hi Stephen! Sana batiin mo muna ko bago ka nag-hanash ng mga ginawa mo for this day di ba?" Sarcastic na sabi ni Agua. "Masyado ka atang busy? Text ka ng text tapos tawag ka din ng tawag kay Pia? Gosh! Kailangan ko ata magpa-appointment kapag kailangan kita makita." Natatawang dagdag pa nya.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...