It's a Saturday. It had been 2 days since the interview pero wala pa din tawag. Kinakabahan na nga ako kasi baka di naman ako natanggap pero pag tinatanong ko si Agua, wala pa din daw syang natatanggap na tawag.
Hindi naman ako masyadong nalulungkot kahit wala pang tawag kasi nadadivert yung atensyon ko sa constant communication namin ni Lord.
Di man ganun kadalas sa isang buong araw, pero di pa din lilipas ang isang araw ng wala kaming text kahit napakasimple lang.
Bumaba na ako and I saw my brother watching anime. Late na din kasi ako nagising dahil napuyat ako sa pagtingin sa social media ko. Tumabi ako sa kanya then kumuha sa kinakain nyang chips. Linayo naman nya sakin yun.
"Hindi ka pa nagbebreakfast. Kumain ka dun. Pinagtira kita ng ulo ng tuyo at puti ng itlog." Natatawa nyang sabi.
"Ay! Ang sweet naman ng Kuya kong pogi!" Kinurot ko pa ang pisngi nya sabay tayo. Alam ko kasi masakit yung ginawa ko kaya tumakbo ako papuntang kusina.
I ate sandwich. Malapit na din kasi maglunch kaya di na ako masyado nagpakabusog. Bumalik na lang ako kay Kuya.
Sumandal ako sa kanya. "Kuya, di pa ako tinatawagan ng hotel." Sumbong ko na parang may magagawa sya.
"E di magapply sa iba. Unang apply mo pa lang naman yan. Wag ka panghinaan ng loob." Sabi nya ng di man lang ako tinitignan.
"E kasi feeling ko okay naman lahat ng sagot ko. Pero bakit wala pa din tawag?" Nayayamot kong sabi.
"Malay mo naman may proseso talaga. Intay ka lang kasi. Excited ka masyado." Well, siguro nga. Baka may deliberation pa at medyo madami dami din kaming nagapply. "Gusto mo magmall? Wala akong gagawin ngayon." Siguro pampalubag loob nya.
"Hmmm. Pwede naman. Libre mo?" Tumango naman sya. "Wait. Maligo at magbihis lang ako." Sabay tayo at naglakad na papuntang kwarto.
"Akala ko yung tuyo naamoy kong mabaho. Ikaw pala yun." Lakas talaga mambwisit nun. Kaya magkaibigan yan at si Lord e.
After awhile, natapos na akong magayos kaya bumaba na ko. Simpleng maong shorts at loose shirt ang suot ko tapos nakaconverse. Sling bag lang din dala ko dahil wallet at phone lang naman ang bitbit ko.
Nakita kong kausap ni Kuya si Mom. Nagpapaalam siguro na aalis nga kami.
"Sige. Ilabas mo at baka nga masama ang loob." Rinig kong sabi ni Mom.
Siguro iniisip nila na nadedepress ako. Medyo lang naman. Di pa naman sa punto na mababaliw na ko.
Nakita ako ni Kuya. "Tara na Baby Damulag!"
Nagkiss muna ako kay Mom bago ako sumama kay Kuya at sumakay na sa sasakyan nya.
We live in the Metro. Kaya madali samin makarating sa mga mall. In 15 minutes, naglalakad na kami sa loob ng mall. As usual, madaming nakatingin sa Kuya ko pero wala syang pakeelam. Sa mga boutique lang sya nakatingin.
"Kuya?" Tinignan lang naman nya ako. "Wala ka bang girlfriend?"
Wala kasi syang dinadala sa bahay. Meron man, matagal na. Siguro 5 years ago. Nagaaral pa sya nun. Pero after nun wala na.
"Madami. Gusto mo pili ka pa." Mayabang nyang sagot sakin sabay hila sa isang baskteball store.
"Kuya naman e. Yung seryoso kasi. Ang tagal na kasi nung may pinakilala ka. Nakalimutan ko na nga ata pangalan nun e." Napa-isip ako tuloy kung ano nga pangalan nun. "What's her name-"
"Bagay sakin Baby?" Haaaaay. Changing the topic ha?
"Ay, jowa pala kasama." Narinig kong sabi ng isang babae.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...