I'm so happy! Because finally tumawag na ang hotel and they said na tanggap na ako. Nagtatatalon ako sa kama nung natapos na yung tawag. After ilang days, finally, tumawag sila with a good news pa. Just can't contain my happiness!!!
After the call, well, after ko matuwa at parang nabaliw, tinawagan ko din si Agua and he said na tanggap din sya. Ang saya saya lang kasi kasama ko sya sa work. Unang trabaho na, kasama mo pa bestfriend mo, ano pang mahihiling mo di ba?
Ang fulfilling lang din kasi I got the job without asking help from anyone. Hindi ako against sa mga nakakakuha ng trabaho ng may tulong ha? Nakakaproud lang kasi I got it on my own. Kahit paano najajustify yung pinaghirapan ko. Alam ko din na magsisimula pa lang naman ako. And excited na din ako to meet new people. To know more about other people.
When I went down, I told my family the good news and they are happy as well. They always support naman everything I do kaya wala ako laging nagiging problema sa kanila.
I texted Lord as well and told him that I got the job.
Sabi ko sayo makukuha ka di ba? Good job Baby! 😗
After that tight and 5-minute hug, naging sweet na din sakin si Lord. Di ko nga alam what happened pero sobrang saya ko lang. I've waited for this. Yung mapansin nya ko. Yung maging ganto kalapit kami sa isa't isa. It is really a dream come true. Ang saya ko kahit ganito lang. Siguro makukuntento ka na lang talaga sa kung ano ang kaya nyang ibigay na pagmahal mo.
The whole week, inayos namin ni Agua lahat ng requirements dahil magstart na kami sa Monday. Both of us are really excited. Sya syempre dahil daw madami syang makikitang papable. Kahit kelan din talaga yung taong yun e.
Come Monday, I was a little nervous. Unang work, kumbaga all the what ifs are coming in. What if di ako maka cope up with the challenges? What if may mga mali akong magawa? What if hindi ako makapag-acquire sa environment? Sobrang kinakabahan ako.
Good luck Baby! Trabaho lang. Tandaan mo sinabi ko sayo pag nahuli kitang nanlalaki.
The whole week, paulit ulit nyang sinabi na pag nahuli daw nya ako na may kausap na lalaki, babaliin daw nya ang ulo nun. Natatawa na lang ako kasi napaka-imposible naman na di ako kumausap ng lalaki. I just told him na work lang naman ang magiging dahilan just in case na kumausap ako ng lalaki at hindi nya kailangan magworry.
Sabay kami ni Agua pumasok. We went straight to HR para mabigyan kami ng heads up. We are assigned as the front desk for today. Answer calls for the reservation through phone and assist the walk in guests. It was easy at first, since ganito na din naman ang ginawa ko sa OJT ko pero syempre with assistance from the regular employees. Pero ngayon, ako na lahat.
Na-enjoy ko naman kasi iba't ibang klaseng tao talaga ang nakakaharap ko. From different parts of the world pa. They are sharing reasons why they are here in the Philippines. Most of it is because of vacation and leisure since it is the peak season.
The work became my routine. Nasa sistema ko na ang pagtrabaho dito sa hotel. And now, it had been six months since I started working here. Ngayon, di lang si Agua ang matatawag kong kaibigan. Most of my friends na din ay galing sa trabaho. Nadagdagan ang kaibigan, experience, learnings and memories ko dito sa trabaho.
For the past six months din, naging maganda ang takbo ng career ko dito sa hotel. There are times pa na ako ang employee of the month. May mga pagkakataon din na I got commendations from the guest for being efficient and friendly. And to be honest, that keeps me going. Ang fulfilling din kasi.
About Lord, ganun pa din. He's sweet at times, tuloy ang communication though masasabi ko na sa ngayon di na lang sa kanya umiikot ang mundo ko. I mean, madami na akong nakilalang tao pero syempre, sa puso ko, sya pa din.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...