Ang ganda ng gising ko kinabukasan. Yung feeling na kahit anong negative vibes ang sumalubong sakin, wala akong pake.
Kinuha ko ang phone ko.
Good morning po. ☺
At yan ang mas nagpangiti sakin. Knowing na mababasa nya ang message ko, masaya na ko.
Bumaba na ako para mag breakfast. Nakita ko na nandun na sila Mommy.
"Good morning My, Dad and Kuya!" Sabay halik sa mga pisngi nila.
"Ang ganda ata ng gising ng baby princess namin ah?" Si Dad na hanggang ngayon sanggol pa din ata ang tingin sakin.
"Sigurado ka bang wala kang boyfriend Pia?" And my so overprotective brother said.
"Kuya wala pa nga. Pero teka, sa edad ko bang 'to di pa ako pwede magboyfriend? Kuya naman! Sabi mo pag nakatapos na ng college pwede na tumanggap ng manliligaw?" Usapan kasi nila ni Dad papayag na sila na magpaligaw ako basta makatapos lang ako.
Di naman kasi talaga strict sila Dad sakin. I mean, okay, bawal magboyfriend pero sa studies, as long as pasado and talagang binigay mo naman ang best mo, okay na sa kanila yun. No pressure kung baga. Though I graduated Magna Cum Laude.
"Bakit? Sinabi ko bang bawal? Tinatanong lang kita. Defensive ka." Oo nga naman no?
"Well, wala akong boyfriend." Just to end the topic.
"O tama na yan at kumain na kayo." Si Mommy na pinaglalagyan pa ako ng pagkain sa plate. "So Anak, ano ba ang plano mo ngayon?"
"May interview po ako ngayon My. Kasama ko si Rodel." Sabi ko kay Mommy.
HRM ang natapos ko. I wanted to work as soon as possible pero sabi nila Dad magpahinga daw muna ako kahit ilang buwan lang. Masyado daw akong nag-aral. So I rested for few months though nagpapasa ako ng resume online every time na may nakikita akong magandang opportunity. Then, the recent one is eto nga, interview for a five star hotel.
"That's good. Nakapagpahinga ka na naman na so better face the real world. Saan ba yan?" Si Dad after sipping his coffee.
"Ortigas po Dad. Shangri-La." I wiped my mouth and stand. "Akyat na po ako, ligo na ako." Humalik na ako kay Dad and Kuya kasi malamang di ko na sila maabutan dahil magwork na sila.
My Dad has his own firm. Engineer sya. Somehow related course ni Kuya kaya dun din nagtratrabaho kay Dad. Di naman nila ako pinilit na kumuha ng course related to that, kung saan daw ako masaya, suportahan taka. My mom naman has a boutique. She's a fashion designer. May kaya din pamilya nya kaya she also graduated in a prestigious school outside the country. Tapos yun nga, nag-open sya ng sarili nyang business after she graduated.
Pag kaakyat ko, sya namang tunog ng phone ko.
Morning. Eat up.
Haaays. Yun lang sinabi nya pero parang kumpleto na talaga ang araw ko. Ganito pala talaga no? Love will make you happy. Though I know na nasasaktan din ako sa love na yan, masaya pa din ako. Tanga na baliw pa. Tsk.
Done eating. Ikaw po?
I left my phone and go straight to the bathroom para maligo. Sa sobrang good mood ko kumakanta pa ko kahit boses palaka (daw) ako. Whenever I sing kasi Kuya would always cover his ears and say na ang pangit talaga ng boses ko. He's saying that infront of my parents pero di naman kinokontra ng mga 'to ko kaya feeling ko totoo. Ah basta! Maganda boses ko! Pake ba nila!
Even though my Mom is a fashion designer, ako walang kahilig hilig sa fashion. I always find it hard to find a suitable dress to wear. Lagi pa kong pinagpapalit ni Mom if sa tingin nya sobrang mali ng mga combination ng mga suot ko. So for this one, I really need to ask for my Mom's advice. So I shouted and asked her to help me. Nung nakapasok na sya sa room ko, she go straight to my walk in closet and search for a good dress.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...