Sunday ngayon at katatapos lang ng misa. Ngayon na lang ulit kami nakapagsimba ng sama sama kasi bibihira ako mabigyan ng weekends off. Consequence of working in a hotel.
"Mall naman tayo Dad." Natawa naman kami ni Kuya dahil sa paglalambing ni Mom kay Dad. "Wala naman siguro kayong lakad na dalawa no?" She asked ng nakataas ang kilay samin dalawa ni Kuya.
Pareho kaming umiling ni Kuya. Wala naman kasi madalas na lakad si Kuya dahil pahinga nya na din talaga from work ang Sunday, sila ni Dad. May nakaschedule naman kay Lord ngayon na lalagyan nya ng tattoo.
So my Mom won and eto kami ngayon sa mall. We are just walking and looking into different stores. Dad is asking me and Kuya kung may gusto kami pero sabay naman kaming umiling ni Kuya.
Simula ng nagtrabaho ako, as much as possible ay hindi na ako humihingi ng kahit ano mula kila Dad. I really try my best to spend my money properly. Si Kuya naman, kuripot talaga ever since. Pero he once asked our parents kung pwede na sya bumukod but Dad have this rule na unless hindi pa kami kasal, sa bahay kami titira. Kaya siguro ganito din kami ka-close sa isa't isa. Dad and Mom make an effort to keep our family close as much as possible.
I smile when I saw how sweet my parents are. They are old enough to be senior citizens pero sobrang lambing pa din nila sa isa't isa. Even in our house Dad would always kiss Mom before leaving the house. Inaayos pa din ni Mom ang neck tie ni Dad. Mom still prepares Dad's breakfast. May mga times pa din na sinusurprise ni Dad si Mom.
"My, nakaka-umay kayo ni Daddy." Hindi ko alam kung ilang ampalaya ang nakain nitong si Kuya.
"Mag girlfriend ka na kasi para di ka naiinggit." Biro ko naman sa kanya. Birong totoo yun actually. Ang tagal naman na nya kasing walang girlfriend, I mean yung seryoso. If we'll talk about his flings, madami naman talaga.
"Ang dami kong girlfriend, pumili ka pa kung gusto mo!" Mayabang na sabi nya.
"Ay naku Kuya. Pag ikaw nakahanap ng katapat mo, magiging ganyan ka din. O baka nga mas malala pa!" Napapa-iling kong sabi sa kanya.
Sinubuan kasi ni Mom si Dad kaya naging bitter si Kuya.
"Malabo yun." Pinagpatuloy naman nya ang pagkain nya. "Hinding hindi-"
"Bien?" Napatingin kaming apat sa taong bumanggit sa pangalan ni Kuya na nakapagpatigil sa kanya sa sasabihin nya.
Babaeng ubod ng ganda ang nasa harap namin ngayon. Matangkad, maybe just an inch smaller to Kuya. Mahaba ang makintab nyang itim na buhok. Wearing a body fitted dress and a high pump. May ganito pala talaga na kagandang babae. Dyosa.
"Ryla." I heard Kuya though mahina lang ang pagkakasabi nya.
"Ikaw nga!" Lumapit sya at yinakap si Kuya. Ryla? I heard that name na ah? "Gosh! Ilang buwan na ko nandito pero ngayon lang tayo nagkita!"
Si Kuya naman ay parang na-estatwa at di man lang gumagalaw.
"So how are you? Are you married? O single pa din?" You can see happiness in her eyes while teasing Kuya. "How about Stephen? How's he? I'm trying to communicate with him through our batchmates pero lagi atang busy at di rin mahagilap." Batchmate pala sila.
"Ah. E. Oo. Busy yun." Kuya can't look at me. "Ah, Mommy, Daddy, Pia, si Ryla. Kaklase namin nung college." Pagpapakilala naman ni Kuya.
"Hi po. Nice meeting you." She said with a smile. "But I guess this isn't the first time we met. Na-introduce na ako dati ni Bien. I'm his ex." Shocks! Sya pala yun! I remember her! The only girl na dinala ni Kuya sa bahay.
"Kaya pala you look familiar." Mommy smiled at her. "Sit down then, sabayan mo kami kumain." Pag-aalok ni Mom.
"Oh thank you Tita but I'm with my friends e. Nakita ko lang talaga si Bien kaya lumapit ako." She even glance to her friends. Ngumiti sya ulit kay Kuya. "Anyway, can I have Stephen's number? Hindi daw alam nila Lem e." Bakit nya kailangan ang number ni Stephen?
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...