49

121 6 5
                                    

"Francine." As he said the name, bumitaw ako. I gave distance.

"I miss you so much." The sincerity was there. I felt the genuine happiness in her voice, because when I'm with him, I'm at that state too.

"Kasama ka pala ng Papa mo?" I saw him tapping her back. More like consoling the emotional girl.

I wanna be honest. The girl looks beautiful, goddess even more. Long black hair, small face, round brown eyes. And her body, siguro kung lalaki ako, hindi na naalis sa kanya ang tingin ko.

"Hindi sinabi ni Papa?" Natapos din ang yakap. Umiling si Lord. "Silly Papa!" Tumawa sya at umabrisyete na kay Lord.

Hinila nya si Lord pero hindi ito naglakad. "Sandali." Then he looked at me. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko pero feeling ko kita na hanggang dulo ng bagang ko sa pagkakangiti ko. Fake it 'til you make it.

Doon lang din ako napansin ng babae. That's how unnoticeable I can be.

"Francine, si Sophia." Pagpapakilala nya sa akin. "Si Francine." Nang ako naman ang liningon nya.

When I looked at the girl, I saw how her eyes went wide open.

"OMG!!! You're are the Sophia that he kept on telling me whenever he's drunk!" I saw excitement in her. At kahit kinakain na naman ako ng pangamba sa mga ganitong babae, ramdam ko ang pagiging mabait ni Francine.

"Nice meeting you." I told her as I offer a handshake. But to my surprise, she hugged me.

"So nice to meet you too! Ngayon nakita ko na kung bakit nabaliw sa'yo si Lord Stephen!" She said while hugging me. Akala ko yun na yun. Sana nga yun na yun. Kaso dinugtungan pa nya e. "Buti na lang nakamove on na." Sinabayan pa ng tawa.

Napatingin ako kay Lord. He's just looking at me. Tinatantya kung ano ang reaction ko. So I smiled. Peke man ang dating, nawalan na din ako ng pakeelam.

"So, let's go na? They are waiting na e." She said after the hug at lumapit na ulit kay Lord.

Bago pa man makasagot si Lord, nauna na ako. I need to see Yago. Ganito kasi ako e. Kapag nakakaramdam ng takot o kaba o kahit anong di ako sigurado, pagnakita ko na si Yago, lahat yun nawawala. Lahat yun nakakalimutan ko.

"Mama!" Dun ko lang napansin na pinipigil ko pala ang paghinga ko. Dahil nung nakita ko na si Yago, I felt relieved.

He came running to me. And that made me smile. Sya lang talaga e.

"Be careful, my Love!" Binilisan ko na din ang lakad dahil baka madapa pa sya.

"Mama!" Yago's eyes do have that glint of happiness ng nakita ako. Pinugpog nya ako ng halik na ikinatawa ko.

"Awww, you miss Mama?" I asked as I walk towards my parents. "Hi Everyone!" I greeted everyone.

"Kanina ka pa hinahanap nyang anak mo." Kuya said.

"Lalo na nung may nakitang ibang babae." Segunda ni Agua. "Turong turo, Pia ah?" He even smirked.

"Ha?" Naguluhan ako sa sinabi ni Agua.

"Ayaw sumama kay Francine e." Kuya said. "Umiyak pa."

Well, that's Yago. Pag naman lalaki ang nakikita nya, hindi din sya sumasama unless na sabihin kong kaibigan ko 'to. Ganun sya ka-possessive at a very young age. Maybe because for the longest time, kami lang naman talaga ang magkasama.

"Yago." I heard Lord at my back. Hindi naman ako lumingon. "Tara?" I felt him touch Yago's hand.

Pero si Yago, yumakap lang ng mahigpit sa akin.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon