After he said that, binilisan ko pa ang pagkain ko. I just want to run in my room. Feeling ko kasi ako yung sinabihan nyang hindi importante e. Ako yung di nya kayang isingit sa busy schedule nya. Kaya kahit nandun pa si Agua, nagsabi na ako na aakyat muna para makapagpahinga. Hindi ko na din binigyan ng pagkakataon ang mga tao na sumagot. Tumayo na ako kagad at dumiretso sa hagdan.
Hindi naman ganun katagal nung huli akong umuwi, pero I missed my room. Or I miss the old times. Times that things are not these complicated. Bruha! Baka lang nakalimutan mo, ikaw nagpakomplikado ng lahat.
Ano nga kaya no? Ano nga kaya kung di ako umalis? Ano nga kaya kung di ko tinakbuhan ang takot ko? Ano nga kaya kung di sya umalis? Gaano na kaya kami kasaya? I think, eto ang problema kapag hindi ka nagrisk. Kapag di ka sumubok man lang kahit kaunti. My mind is clouded with so much what ifs. Na hanggang what if na lang kasi nga, pinili kong lumayo. Pinili kong magtago.
While I was staring my ceiling, someone knocked. "Bukas yan."
I saw Agua. Akala ko aalis na din sya kasi alam ko may pasok pa sya. "Can we talk?"
Kinabahan ako. "Sure." Though my mind is kinda telling me that this will be a big revelation.
Umupo sya sa tabi ko. Sumandal din sa headboard just like me. "Kumusta ka?"
Those two words had been asked to me more than a million times. Pero laging nagdadalawang isip pa din ako kung paano ko sasagutin. Kung ano ba dapat ang sagot.
"Okay lang?" I surely don't know what to feel kaya patanong na din ang sagot ko.
"Kumusta ka sa Bora? May mga macho ba dun na mahaba ang..." Pabitin pa to e. "Pasensya?" Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
"Madami. Kaya alam kong mag-eenjoy ka dun." Sinakyan ko naman ang sinasabi nya.
For awhile, nakangiti lang kami pero mas humaba ang pananahimik. "Seriously Sophia, how are you? How's life?"
I inhale deeply. "To be honest Agua, hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tanong mo. Kumusta ako? Surviving I guess. How's life? I think, life had been good enough. I mean, may mga struggles pero di ko naman makakaila that God had been blessing me more than what I deserve." Oh my Ysmael Agustus.
"That's good. Well, you look happy naman talaga." He's smile is genuine.
"I am. Siguro mas masaya lang kung magkakaayos kami talaga ng pamilya ko. I mean, you know what's between me and Mom." Feeling ko kasi yun naman talaga ang kulang ngayon sa buhay ko e. At sya, ipokrita!
"Kailangan mo sya intindihin. Mahirap din 'to para kay Tita. You know how much she hates being away from you." Pagpapaintindi sakin ni Agua.
"I know. It is just that, I miss her. Pero wala naman akong planong patagalin pa yung tampo nya." Nginitian ko sya.
"Di ka din naman matitiis nun. Alam mong baby ka pa din nun." I know. I know. When I didn't say anything, he continued. "Any plans on talking to Stephen?" Ayan na. Eto na yun.
"How's he, Agua?" I looked straight into the ceiling.
"Just like before nung umalis ka, he barely lived." That made me close my eyes. "At katulad din ng dati, nabuhay naman. Kinaya naman." Dugtong nya ng makita na nya siguro kung gaano ako nahihirapan.
"Gaano na sya katagal dito?" I just needed to ask this.
"Less than a year." He said.
"Nandito na sya pero bakit di pa din nya kinukuha yung condo. Sakin pa din pumapasok ang pera ng tattoo shop nya, Agua." Naguguluhan akong napalingon sa kanya.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...