19

110 8 1
                                    

Hindi ka pa ba uuwi Anak? Mommy's statement every time na nakavideo call kami.

Mom naman. Two years ang contract ko di ba? At yan naman ang lagi kong sagot sa kanya.

Di ba pwedeng tapusin mo na yan. Miss na miss na kita Anak. Mommy never change. Parang iiyak na naman sya.

Mommy isang buwan na lang po e. Natatawa kong sabi sa kanya.

Talaga? Mommy's eyes widen.

Opo. I smile.

"Pia! Tara na!" Nakita kong pababa naman si Agua at papunta sakin.

Hi Mumsh! Tili ni Agua ng makita si Mommy.

Agua uuwi na daw kayo? Mom's voice is full of happiness.

Mumsh parang waley ka ditey two months ago. True. They had their vacation two months ago. Kaya naiiling na lang din ako.

Syempre iba pa di na nandito na yang unica hija ko no. Excited na ako Agua. Ngiting ngiti naman si Mom.

Excited na din ako Mumsh! Di ba sabi mo nung pumunta ka dito gawan mo ko ng gown? Napapailing ako while I'm hearing my Mom laughing.

Oo naman. Kaya uwi na ha? Hopeful na hopeful na si Mom. Kuya saan ka pupunta? I heard Mom's voice.

May laro kami Mommy. Aalis si Kuya. Oi Tol musta?

Kuya naman e! Don't Tol me nga! Naiinis si Agua na kinatawa naman ni Kuya. Madami bang papable dyan sa laro nyo Kuya? Pagdating namin, sama kami ulit ha?

Ako lang gwapo dito no! Mayabang pa din. Nasan yung napakapanget kong kapatid? Tawa sya ng tawa kahit nakita kong kinurot sya ni Mommy.

Bakit na naman? Sa tuwing kinakausap kasi nya ako ay iniinis lang nya ako.

Panget mo! See? Inikutan ko na lang sya ng mata. Aba! Marunong na magtaray ang kapatid ko ah?

Naku! Kaya nga walang mangahas manligaw. Laging binabasted unang pagpapakilala pa lang. Gatong naman ni Agua.

Ganun talaga Tol. Baka di pa nakakamove- Nagsimula na naman sya.

Baka nga. E samantalang yung iniwan mukang masaya na. How dare them! Pag-usapan talaga sa harap ko?!

Mommy alis na po kami. Ingat kayo dyan. I love you. Bye po. Hindi ko na inintay makasagot pa si Mommy.

Dalawang taon. I've been here for two years. And in that two years? Pinatay ko ang sarili ko sa trabaho.

At first, aaminin kong hirap na hirap ako. I almost wanted to go home. Hirap na hirap ang loob ko na nakakaapekto na sa trabaho ko. Every single night, before I fall asleep, I always remember his face. Nung nagmamakaawa syang wag ako umalis. Nung paulit ulit nyang sinasabing ako ang mahal nya. Nung hanggang sa kahuli hulihan hinawakan nya ang kamay ko para lang wag na umalis. Lahat yun mas nangibabaw sa alaala ko kesa sa nadatnan ko sa condo nya.

Kaya from day 1, nastock ako sa alaalang yun ni Lord.

Pagdating namin dito sa America, may isang linggo pa kaming pwedeng mamasyal ni Agua. Kahit lutang ako, hila hila ako ni Agua kahit saan man sya magpunta. Nagpunta din kami sa bars na kung saan na first time ko ma-experience ang malasing. Or should I say, wasted. Yung tipong paggising ko kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko.

After a week, nagsimula na din kami sa trabaho. Medyo nahirapan ako mag-adjust because of the workload. Masyadong paperworks. Kung nung nasa Pilipinas, may mga ibang lahi akong nakaka-usap, dito naman ay mas madaming ibang lahi. May language barrier din dahil ang iba ay di marunong mag-english. And everything here is in a fast paced mode. Lahat ng tao on-the-go. Time is very essential. Hindi mo sila pwede paghintayin ng matagal dahil talaga naman magwawala sila. Every minute counts.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon