26

104 5 0
                                    

I woke up the next day feeling sore down there. Masakit ang katawan ko, masakit ang mata ko, masakit lahat. Masakit din malaman na wala na akong katabi. So I just lay and look at the ceiling. Inisip ko lahat ng nangyari. From the moment we step our feet here in Baguio up to the last memory I had last night before I doze off. Whirlwind experience. I just can't pinpoint if everything happened too fast or too slow. I certainly know that we're too far from being okay. I've learned my lesson. The hard way, apparently. Not because we slept together and we made 'it' again, meaning, everything is back to normal. Definitely, no. We both need a lot of talking, trusting, healing and loving to do.

The door opened and saw Lord came in. "Good morning." He said while looking in my eyes.

"Morning." Umiba na ako ng tingin. Baka makita pa nya ang pagkailang ko. Sus! Samantalang kagabi...

"Tara na. Kain na tayo." Lumapit sya sakin. "Kaya mo naman maglakad di ba?" Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang saya ni Lord while saying that.

"Oo naman." I said while trying to sit down. Masakit pa din naman. Pero tolerable naman. Kailangan ko lang kumilos ng dahan dahan.

As we went down, nakahanda na nga ang almusal. Hotdog, egg at sinangag. Pag-upo ko, may chocolate drink na din. The chocolate drink is really good. Matapang. Di katulad mo, duwag.

"May gamit ka pa di ba? Ligo ka na pagkatapos kumain para makalabas na tayo at makabili ng gamit mo." He said while eating.

"Bakit kailangan pa bumili? Di pa ba tayo uuwi?" Tama naman kasi syang may mga gamit naman ako. Kung uuwi na kami ngayon, di na kailangan bumili.

Natigil sya sa pagsubo at tumingin sakin. Tingin na nagsasabing, 'okay na ba tayo?'

I sigh. "Lord, may pasok na ako bukas." Gustuhin ko man na manatilo dito kasama sya, may trabaho ng nag-iintay sakin. "Pwede naman tayo mag-usap sa Manila e."

"Tapos magwawala ka na naman? Nasa pinto ka palang ng unit, nanginginig ka na?" Napapa-iling nyang sabi.

Hindi ko naman sya matignan. Guilty as charged. "Hindi na." I need to convince Lord. Di talaga pwedeng di kami umuwi ngayon. "I promise to control my emotions-"

"Kontrol kontrol na naman. Di ka na naman magsasalita pag nagagalit ka? Di ka na naman iimik pag nagselos ka? Tapos manunumbat ka na naman." My goodness! Kelan pa sya tumalino ng ganto?!

"Hindi sa ganun. Hindi lang ako magwawala. Yun lang yun." Lord is really being smart. Di na sya nagpapadala sa mga palusot ko. "Uwi na tayo today, please?" Nananantya ko syang tinignan.

"Ge." Yes! "Pero after lunch na. Maglibot muna tayo." Nginitian ko na lang sya. Okay naman kasi sakin yun. Actually, sobrang okay.

After our breakfast, pinaligo na nya ako habang liniligpit na nya ang pinagkainan namin. I volunteered pero sya na daw tutal tapos na daw sya maligo.

Wala syang dalang pants para sakin. Akala ba nya mainit dito sa Baguio?! Puro shorts. Buti naman at Tshirt ang dala nya.

Pumasok sya sa kwarto at napatingin sakin. "Wala bang pantalon?" Kulang na lang irapan ko sya.

"Ikaw kumuha nito di ba?" And I have an idea.

"Basta kumuha na lang ako. Nagmamadali ako e. Baka tumakas ka kasi." I knew it. "Bumili na lang tayo."

"No. It's okay." Umaga pa naman. Di pa ganun kalamig unlike nung pagdating namin. "May extra sweater ka na lang ba?"

"Oo. Sa baba." I saw him gathered his things. And napahinto ako kasi nakita kong sinuot nya ang bracelet at relo na bigay ko. He's still wearing it. "Okay ka na? Tara na." He looked at me kaya napatingin ako sa iba.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon