30

95 4 0
                                    

The next day, buti naman at bumaba na ang lagnat ni Lord though may sinat pa din sya. Mahimbing pa din ang tulog nya kaya ang hirap kumilos lalo na at nakayakap pa din sya. But I need to move since kailangan na nya uminom ulit ng gamot after an hour. Kailangan ko na magluto para may laman naman ang tyan nya bago uminom ng gamot.

Habang inaayos ko ang mga lulutuin ko, narinig kong nagring ang phone ko. As much as I don't want to answer it, naisip ko na baka may kailangan si Kuya.

"Kuya." I said as I answered his call.

"Kasama mo daw si Stephen?" I can sense hesitation.

"Yeah." I answered back.

"Gising na ba? Pwede ko ba makausap? Hindi kasi sinasagot tawag ko e." Tuloy tuloy nyang sabi.

"Tulog pa e. Pwede ko naman gisingin kung importante yan." Papunta na ako sa kwarto pero pinigilan nya ko.

"Wag na. Tatanong ko lang sana kung mapupuntahan nya yung meeting sa project na binigay sa kanya. Sabi kasi ni Mom may sakit daw e." Project?

"May lagnat nga simula kagabi. Bumaba naman ngayon pero may sinat pa din. Ano bang project yan?" I'm so curious.

"Residential sa Batangas. Sya kasi naka assign dun sabi ni Dad." Huh?

"Bakit sya ang naka-assign? I mean, di ko magets." I'm really clueless.

"Isa na sya sa mga architects ni Dad. In demand yan. Di mo alam?" What? Bakit di ko man lang nakita sa mga social media nya?

"Hindi. Kelan pa?" Ito ba ang sinasabi nyang ibang bagay na busy sya?

"Six months after you left." Then he pause. It was a long silence na biglang ang dami ko din naisip. "Sige na. Pagpahingahin mo na lang. Ako at si Ryla na lang ang pupunta."

"Wait! Kasama nya dapat yung babae na yun?" May iba pa ba akong di alam? "Sa firm din ni Dad sya nagwowork?"

"Yeah." What's happening?! "Sige na. Alagaan mo na sya. Bye." I was not able to answer him.

Natulala ako. I didn't know everything about it. So now, everything make sense. Kaya di na nya mahawakan ang tattoo shop nya at hindi na din sya makapag tattoo ng madalas ay dahil nasa firm na sya ni Daddy. And now it explains why he dressed up differently. At kaya din nya kasama si Ryla that day because maybe they are talking about a certain project. Napasabunot na lang ako sa revelations na nalaman ko in one call.

Nasa pinto ako kaya narinig ko si Lord. "By!" Sumisigaw sya.

Nataranta naman ako kaya pumasok ako kagad. I saw him sitting at hawak nya ang buhok nya. "Anong problema?"

Lumapit ako at hinawakan ko ang mukha nya. Bigla naman nya akong yinakap. Hindi sya nagsalita kaya mas lalo akong natakot.

"Anong problema? May masakit ba sa'yo?" I'm freaking out. Ano ba ang nangyayari sa kanya. "Sagutin mo ko! Kinakabahan ako e."

Bumitaw sya sa yakap at hinawakan naman ang mukha ko. He kissed me. Katulad kagabi, magaan lang ang mga halik. Ayaw tumigil.

I need to hold his face para lang makausap ko sya. "Anong nangyayari sa'yo?"

"Nasan ka kanina?" Inalis nya ang mga kamay ko sa mukha nya at walang humpay na naman na humalik.

"Naghahanda ako ng breakfast mo. Malapit ka na kasi uminom ng gamot." Hindi ko tuloy tuloy masabi yan kasi halik sya ng halik. "Tama na. Gagawan na muna kita ng breakfast mo."

"Di ka aalis?" Parang maamong bata nya pang tanong.

"Di ba sinabi ko na sa'yo na di ako aalis hanggat may sakit ka?" Pagpapaintindi ko naman sa kanya.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon