48

106 6 2
                                    

"Lord, sorry na o." Pero dedma pa din sya. Lumapit na ako at sinubukan syang hawakan pero winaksi lang nya ang kamay ko. Patience, Sophia. "Lord sorry na. Eto na o. Ngayon di na ako papasok. Please naman." Pero si Lord ba sya kung hindi sya magsusungit? He went on the other side of the bed. Fiddling his phone.

I have to endure his attitude. It was my fault. I promised to be with them yesterday afternoon pero kinain na naman ako ng trabaho. I can't leave kasi nga padating na ang mga participants for the summit. Ayoko naman iwan basta basta ang mga tao ko. So I tried to finish everything yesterday para ngayon ay makapag-leave ako. Pero si Lord, galit na galit na naman.

I went to his side. Kinuha ko ang phone nya pero binigyan lang nya ako ng napakasamang tingin. Hindi naman ako nagpatinag. Hinagis ko yun sa may bandang dulo ng kama. Then I sat on his lap. Daig talaga ng malandi e.

"Sorry na please?" Kung meron mang hindi nagbago sa nakalipas na panahon, ang panalangin ko lang ay eto sana yun. Yung nakukuha ko sa lambing si Lord.

Pero matigas sya. Nakatingin lang sya sakin na para bang inip na inip. Na para bang sinasabi nyang umalis ako at talagang sasamain na ako.

Pero kung matigas sya, mas matigas ang kagustuhan kong magkaayos kami. Umupo ako paharap sa kanya. Open leg. Then I hugged him.

"Sorry na po." Ako nahihiya sa mga pinaggagagawa ko e. "Wag ka na magalit please? You have me now o." I kissed his neck.

"O tapos?" Haaaaay. Wala kang karapatan mainis, Girl!

"Tapos po, pasyal tayo." I gave ourselves a little distance so I can see his face. Gwapo lang talaga 'tong lalaking' to e! Pasalamat ka. Nginitian ko pa sya.

"May plano na kami ni Yago. Magtrabaho ka na lang." He's trying to lift me pero nagkunyapit ako sa kanya.

"Hindi mo ko isasama?" I acted hurt. Pero ang totoo, natatawa ako. Akala mo naman kasi nakakasama na nya talaga sa pagpaplano ang anak e.

"Hindi." Basag trip din talaga si Lord e.

"So iiwan nyo lang ako dito? Malapit na nga kayong umalis na dalawa, iiwan mo pa ko." Mas tunog pabebe kesa paawa ang nagawa ko.

"Okay lang yun. Para maranasan mo din maghintay." Masungit pa din nyang banat.

"Sige. Ganyan ka naman." Paawa ko pa din na sabi.

"O alis na. Aalis na kami ni Yago." Pero this time, di naman nya ako inaalis.

Umalis ako at humiga sa kabilang parte ng kama. Wala e. Di effective pagiging maarte ko. Isip na lang ako ng ibang strategy. Walang sukuan!

Medyo matagal na pero di pa din kumikilos si Lord. I don't know what he's doing kasi nakatalikod ako sa kanya. Nung di na ako makatiis, humarap ako. And I saw him looking at me. Nakataas pa ang isang kilay.

"O akala ko aalis na kayo? Sige na. Iwan mo na ko." Syempre papaawa pa din ako.

"Tss." I heard him say. Kinuha lang nya ang phone nya then sumandal na ulit sa headboard.

Since mukhang di pa sya aalis, lumapit ako at yumakap sa bewang nya. I even put my head on his stomach. No words. I just closed my eyes. Antok na antok pa din kasi ako dahil late na nga ako nakauwi.

"Pwede ba sa susunod wag ka na lang mangangako?" I was dumbfounded with what he said. Napadilat ako ng mata. Bago pa man ako makatingala at tignan sya, naramdaman ko ang hagod nya sa ulo ko. "Sumusugal ako sa'yo, Pia. Pero sa tuwing di mo natutupad ang mga sinasabi mo, napanghihinaan din ako ng loob."

I bit my lip. Alam ko naman kung saan sya nanggagaling. It wasn't easy to trust. I have to earn it. And instead of dwelling with this guilt again, I'll just find ways to have his trust one more time. So I hugged him tight. I hope it made him feel that I'm really sorry.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon