"Girl ano na? Ano na mangyayari sa birthday mo?" Agua is here in my room. Kinukulit ako na maghanda sa birthday ko. "Pupunta daw sila Jas."
"Ayaw nyo bang ilibre ko na lang kayo sa mall? Kain ganun." They wanted to celebrate my birthday here in our house. Gusto daw kasi nila talaga makilala si Mom. Ginamit pa ang birthday ko.
"Sus! Ano bang problema kung dito?" Nakataas na kilay na tanong nya. "Ang bongga bongga ng baler mo tapos ayaw mo pakita sa iba."
"Hindi naman kasi sa ganun. Alam mo naman na nagpupunta ako sa orphanage di ba?" Alam naman kasi ni Agua na pumupunta ako dun sa araw ng birthday ko e.
"E di gabi ka maghanda dito. Di ka naman hanggang gabi dun ah?" Til lunch time lang naman talaga ako dun.
"Ano kasi Agua." Di ko alam pano sasabihin sa kanya.
"Ispluk mo na yan. Baka di ka majebs pag di mo sinabi yan." Nakataas na naman ang kilay nya.
"May lakad kasi kami ni Lord." Inaya nya kasi ulit ako na lalabas sa mismong birthday ko.
"Ayun. Lumabas din ang totoo. Magpapakangkang kang babaita ka kaya ayaw mo maghanda." Grabe naman to.
"Hindi sa ganun no!" Hindi naman kami lumalagpas sa hawak kamay o akbay ni Lord. Rinerespeto naman nya ako. "Pero sige subukan ko kausapin na lang si Lord." Siguro maiintindihan naman nya yun. Madalas naman na kami nagkakasama e. "Sabihan na lang kita kung pumayag sya."
"Good." Tumitingin sya ngayon sa magazine. "E ano naman plano mo sa trabaho? Magapply na tayo ulit?"
Agua resigned as well. Sabi ko nga sa kanya di naman nya kailangan gawin yun. Alam ko na kaibigan na din nya talaga ang mga naging katrabaho namin. I don't want him to sacrifice just because of me. Sabi ko pa we can see each other pa din naman kaya di nya kailangan gawin yun. Pero mapilit talaga sya. He insisted. Gusto daw nya kasama ako. Palibasa di naman talaga nya kailangan ng trabaho.
May kaya din kasi ang pamilya ni Agua. Pamilya sila ng mga pulis. His Dad and Lolo is a policeman. Ganun na din ang Kuya nya. Ipinaglaban lang talaga ni Agua ang pag-iba ng course though his parents really wanted him to be in the same path. His mother is a housewife. Yun daw ang gusto ng Dad nya kahit may pinag-aralan at nakatapos din naman ang Mom nya.
"Remember Vivian? Yung irregular na kaklase natin." Nabuntis kasi si Vivian kaya nagstop sandali at pagbalik nga ay naging irregular na.
"Ay oo! Si Mumsh na sexy!" Vivian is petite. Parang di nga nanganak kasi ang sexy pa din.
"Yeah. She's having her OJT sa Marco Polo. She said they are hiring. Apply tayo?" Ortigas din to. Ibang way lang sa Shang.
"Pwede. Kelan?" Bored na din siguro si Agua.
"Monday? Sabihan ko na lang sya." Ang alam ko kasi, Tita nya ang nagwork sa HR.
"Sige." Still flipping the pages of the magazine. "Mall tayo Girl."
Hmmm. Wala naman ako gagawin ngayon. "Okay. Maligo lang ako." Pero bago pa ko makatayo ay tumunog na ang phone ko. Lord is calling.
"Sagutin na. Baka magwala." Agua said ng makitang nakatingin ako sa phone ko.
Hello? Kahit madalas ko naman sya nakaka-usap, lagi pa din akong excited.
Ano ginagawa mo Baby?
Maliligo po. Nag-aya kasi si Agua magmall.
Saang mall?
"Agua saang mall tayo punta?" I asked Agua. Di ko din kasi alam e.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...