7

139 10 3
                                    

Ilang araw na kong di pumapasok because Dad freaked out with what happened. Kuya and Dad are really mad. Nagsampa pa sila ng kaso.

Nalaman nila ang nangyari the day after. Agua came to our house and had no choice but to tell them what happened kasi dadating daw si Sir Will later that day.

Mom cried hard nung nalaman nya. Umakyat kagad sya sa kwarto ko and yinakap ako ng sobrang higpit. Nung una nagulat ako, pero nung nakita ko na si Agua sa may pintuan ng kwarto ko, alam kong nalaman na nila.

"Are you okay Anak? May masakit ba sayo? Anak tell Mommy everything." Hinihimas nya ang pisngi ko while crying.

When I looked at Dad and Kuya, puno ng galit ang mga mata nila.

"Magsasampa tayo ng kaso. I will not let this pass!" There's so much authority and finality with his words.

"Dapat pinatay na talaga ni Stephen yung hayop na yun!" Galit na galit na sabi ni Kuya.

Nung sinabi ni Kuya yun, it reminded me of what is really happening.

"Agua kumusta si Marvin?" I still hope na okay sya. Alam kong mali ang ginawa nya pero ayoko naman na may mangyari sa kanyang masama.

"Ahm. Okay naman sya. Out of danger na daw sabi ng doctor." Nakayukong sabi ni Agua. "Pero kasi...."

Napatingin ako sa kanya. "What?"

"Yung pamilya nya kasi magsasampa din ng kaso kay Stephen." Dahan dahan nya pang sinabi.

Dun ako naiyak. I got scared. I run to Dad.

"Daddy." Yinakap naman nya ako. "Daddy si Lord."

Hinagod ni Dad ang likod ko. "Hindi ko sya pababayaan Anak. Don't worry okay?" I hugged Daddy tighter.

After that, dumating nga kinahapunan si Sir Will. He's very sorry of what happened. Hindi nga daw nya akalain na kayang gawin ni Marvin yun. Isa daw kasi to sa mababait na tao nya.

Sir Will asked if he can talk to me privately kaya pumunta kami sa garden.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula Pia." Malungkot si Sir Will. "Hindi ko kasi alam kung paano pa hihingi ng pasensya sa pamilya mo at lalo na sayo."

"Wala naman po kayong kasalanan Sir." Sa malayo na lang ang tingin ko dahil di ko maatim ang kalungkutan ni Sir Will.

"Marvin is one of my employees na tinuring ko talagang anak. He is very kind to the guest and his workmates. Ang dami ko ding natanggap na commendations para sa kanya. I really don't know what happened." I can sense disappointment.

"Siguro po lasing lang talaga sya." Sinusubukan ko din iconvince ang sarili ko na yun ang dahilan at sapat na yun para mapatawad ko sya.

I heard him sigh. "Alam naman natin pareho na di yan sapat." Naiiling sya. "And I know that what I'll be asking will also be hard for you Pia." Tinignan nya ako sa mata. Kitang kita ko ang sinseridad at pagaalala, di lang sakin kundi pati na din kay Marvin. "Pia I know your father already decided on what to do with him." Bumuntong hininga sya ulit. "But I'll still try my luck with you." Hinawakan nya ang kamay ko. "I won't be asking for you to forgive him, but I'll be asking for you to give him another chance."

I look at him and I see hope. Alam ko naman kasi ang gusto nya e. Gusto nyang i-urong ang demanda. And what I see now is not our boss. But a father who's longing for his lost child. And that's when I remembered what happened to him.

"Di po ako mangangako. Pero susubukan ko pong kausapin sila Daddy." I'll try. Again, not because I care for Marvin, but because I see how Sir Will care for him.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon