Dahan dahan ang paglingon nya sa akin matapos ko masabi ang tatlong salita. Sa sobrang bagal ng pagtingin sakin, I wanted to run. O gusto kong sundan ng mga salitang nagbibiro lang ako. At mas lalo kong gustong gawin lahat yun ng nagtama ang mga mata namin.
His eyes are full of questions, anger or even deeper, puno ng pagtataka at pag-aalinlangan. He looked at me na parang naging tatlo ang ulo ko sa paningin nya.
"Anong sinabi mo?" Tanong nya sa sobrang bagal na pamamaraan. Kumbaga sa pagkain, ninanamnam nya ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya.
Sinubukan kong lumapit, pero humakbang sya palayo. "Lord, I wanted to tell you kaya lang-"
"Ano ang sinabi mo?" Mas madiin. Mas mabagal. Mas nakakatakot.
"Lord,makinig ka sa sasabihin-" This time, sya na ang lumapit. At kung mas nakakatakot sya kanina from afar, you can't imagine him now that he's in front of me. Up close.
"Ulitin mo ang sinabi mo." Mas kakayanin ko siguro kung sinisigawan ako ngayon ni Lord kesa sa ganitong hindi nga pasigaw pero ramdam na ramdam ko ang gigil nya.
Napayuko ako. I closed my eyes. Yung tipong ayoko na buksan. Nanginginig ang mga tuhod ko. Nanghihina ang buo kong katawan. "I was pregnant when you left." I said in between my sobs.
I didn't hear anything for more than five minutes. I can still feel his presence in front of me kahit nakayuko at umiiyak lang ako. Takot na takot pa din pero sinubukan ko pa din kumalma. Wala naman mangyayari kung iiyak ako. Knowing Lord, lahat ng salitang makamamatay, lalabas sa bibig nya at walang makakapigil sa kanya.
"I wanted to tell you-" I'm trying to tell him everything pero sino nga ba ang niloko ko? When he's mad, he IS mad.
"Talaga ba?" Naramdaman ko ang tawa sa bawat salita nya. But definitely there's no humor on it. Mas nagmukhang naghahanda na ang demonyo sa mga salitang nakamamatay. "Gusto mo sabihin sakin pero di mo nagawa sa loob ng halos tatlong taon? Talaga ba Pia?" It gets more sarcastic each word. "Ano nangyari at di mo nasabi? Nawala dila mo tapos ngayon lang nakabalik? Tatlong taon kang di nakapagsalita tapos ngayon bumalik na boses mo? Alin dun, Pia? Alin dun sa mga katarantaduhan na sinabi ko ang rason mo?"
Maling mali na nag-angat ako ng mukha. Because when I saw his eyes, I never imagined that Lord can look at me with those. Mas malalim pa sa galit ang nakikita ko sa mata nya. Mas malalim pa sa panunumbat ang nakikita ko. Yung akala ko dati, whenever he gets jealous, yun na yung worst Lord. But as I look at him right now, walang puwang ang mga paliwanag ko. Na isang salita ko pa na hindi nya magustuhan, katapusan ko na.
Hindi sya natinag kahit punong puno na ng luha ang mga mata ko. Hindi nagbago ang galit at sakit na makikita sa mga mata nya.
"I'm sorry-" He almost slapped me. Malapit na malapit na ang palad nya sa mukha ko. But he stopped.
Then he inhaled. Nakita ko na nanginginig din si Lord. His hands are shaking as he put it on his waist.
"Anong pumasok sa napakalawak mong pag-uutak para gawin sakin 'to, Pia?" Kung kanina puno ng galit ang bawat salita, ngayon ay puno naman ng sakit. "Ganun ba kalaki ang kasalanan ko sa'yo para parusahan mo ko ng ganito?" And for the second time around, I saw him cry.
Aabutin ko na sana sya pero humakbang sya ulit palayo. "Lord please. Please listen." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Lumayo sya ng konti sa akin. Enough for him to breath. Enough for him to inhale. Alam ko na kahit gaano kagulo ang sitwasyon, Lord is trying his very best to calm.
"Sige. Pakikinggan kita pero di ko mapapangako na maiintindihan kita. Kasi sa totoo lang, Pia, naubos na lahat ng pang-intindi ko sa mga kagaguhan ng buhay." Sabi nya habang naka-upo at nakayuko.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...