42

90 7 3
                                    

"Ngayon dating nila?" Naabutan ako ni Agua sa kusina. Cooking our breakfast.

"Yes." Sagot ko habang hinahalo ang sinangag.

Isang linggo na kasama si Agua ay puno ng tawa at kabaklaan. Hindi na din naman ako nagulat na sobrang nagclick sila ni Annie dahil pareho naman silang brutal in terms of words. Minsan nga ay ako pa ang hindi makasabay dahil masyado silang madumi magsalita. Naiisip na din ni Agua na dito na magtrabaho and I don't mind at all. Siguro nga mas sasaya ako kung kasama ko sya lagi. Madami din naman mga hotel na may vacancy since halos karere-open lang din ng mga establishments dito.

"Ready ka na?" Napalingon naman ako sa tanong ni Agua.

"Saan?" Though I know what he meant.

"You know." Lumapit pa sya para bumulong. "Majombag." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Kung nag-aalala ka talaga sa pananakit sakin ni Lord, wag ka lalayo sa tabi ko." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ay! Bala ka dyan. Mamaya ako pa saktan nun dahil nga di ka kaya sapukin." Sobrang lakas ng tawa ko sa mga na-iisip ni Agua.

Mamayang lunch time ang dating nila. Sa hotel na kami maglunch after nila magcheck in. Wala pa silang itinerary kasi sabi ni Kuya, dito na lang daw nila aayusin lahat. They got a week to stay so wala naman rush sa mga gusto nilang gawin.

"Pero seryoso na. Kaya ba? I mean kaya mo ba?" Agua's serious face is full of concern. Mukhang mas kabado pa sya kesa sakin.

"Itatanong ko ulit sa'yo 'to. May choice ba ako?" Nakangiti kong sagot.

"Well wala nga pero syempre, alam mo yun? Nakakakaba pa din." Na-upo na si Agua.

"Nandun naman talaga yun e. Mapabuti o mapasama, basta si Lord ang involve, lagi naman ako kinakabahan." Inaasikaso ko naman ngayon ang kape namin.

"Ano nga kaya magiging reaction ni Stephen no?" Nakapangalumbaba nyang tanong. "Wag ko lang talaga maririnig na pagdudahan nyang junakis nya ang Yago bebe ko at susko! Ako ang jojombag sa kanya." Nagmamaldita na naman si Betla.

"I know he won't. And just in case na maging ganun nga, alam kong gusto lang nya ako bwisitin." I know Lord. Hindi sya slow when it comes to serious matters. He won't own a firm kung tatanga tanga sya.

"Pero Pia, paano kung maisipan nyang kunin si Yago?" Kinakabahan na tanong ni Agua.

"He can't. Sa legal na paraan, hindi nya magagawa. Yago is a minor and I'm capable of giving all his needs. Mayaman sya, oo pero siguro naman Agua may kaya din naman kami, worse comes to worst." Naisip ko na din kasi yun. At di malabong gawin nga ni Lord yun. But I'll fight just in case.

"Bugso lang naman siguro ng damdamin nya yun kapag naisip nya yun. Pero sana wag naman umabot sa ganun. Kawawa ang bata." Agua fell in love with Yago too fast.

"Kung kaya ko naman pigilan, syempre pipigilan ko. Maiisip din naman ni Lord yun." Natahimik si Agua kaya napatingin ako sa kanya. He was just looking at me. "What?" Naguguluhan kong tanong.

"Pia di naman siguro anghel ang tingin mo kay Lord no? I mean, Kota Kinabalu yung ex mo sa lahat ng katarantaduhan. Di kayang makipag-usap ng walang mura!" Agua and his gay linggo.

I laugh again. "Oo naman Agua. Alam ko yun. Pero alam ko din na Lord will think of his son. Let's trust Yago." I smiled at Agua.

Of course im nervous. That's Lord. He wouldn't mind hurting me with his words kahit nakaharap pa ang pamilya ko. Pero iba pag si Yago ang kaharap nya. Kasi ganun din ako. If Yago is around, kaya ko kontrolin lahat ng emosyon ko.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon