41

87 8 2
                                    

"Okay ka lang?" Tanong ni Agua habang nakasakay kami sa eroplano na byaheng Bora. Byahe pabalik sa katinuan ko. Pabalik kay Yago.

"Oo naman." I gave him a small smile.

"Kanina ka pa lutang." Puna nya. "Sure ka ba na okay na sa'yong isama mo ko?" Pag-aalinlangan nya.

"Oo naman, Agua." Inabrisyete ko pa ang braso ko sa kanya. "And I want you to meet someone."

"Wow!" Exaggerated na sagot ni Agua. "So may bago na pala." I don't know, but I felt sadness in Agua's voice.

I just smile.

To be honest, I'm still thinking about what Mom told me. All along, she knew it. She knew it but never said a word. And a pang of guilt had been lingering in me since last night. Hindi ko alam kung paano ko pa sya i-approach, hindi ko alam kung ano pa ang pwede ko sabihin. Hindi ko na din kasi alam kung gaano kalalim ang sugat na naibigay ko sa nanay ko. I disappointed her big time. Kitang kita ko yun kagabi habang tinitignan ko sya sa malayo. The smiles, they don't reach her eyes. The laugh, it may sound real but I knew it better, they are almost fake. At lahat yun, ngayon ko lang napansin. Masyado ka kasing busy sa sarili mong emosyon.

"So wala na talaga si Stephen dyan sa puso mo?" Binalik ako ni Agua sa kasalukuyan.

"He'll always be here, Agua." Tumingin ako sa himpapawid para di nya makita ang sakit. Ang hirap ng loob ko.

"Ang hirap lang paniwalaan, Girl." When it's about me and Lord, di mawala sa boses ni Agua ang lungkot.

"Mahirap ba?" I asked without looking. "Ewan ko ba, Agua. But that's my truth. Yun yung katotohanan ko na sabi mo nga, ang hirap paniwalaan." My truth. Even though no one believes.

"Lagi kang umaalis. Laging kang nawawala. Lagi mo syang iniiwan. Lagi kang may rason. And you know what makes it hard to believe? You JUST leave." The emphasis on that word makes me more sad. "Without explanation."

"I can't justify my actions." Again, I knew it all now. "I decided when my emotions were high. I don't think, I just do whatever makes the situation easier to live in." I inhaled deeply. "Ang duwag ko 'no?" Then I smiled as I looked at Agua. A sad smile again.

Agua hold my hand. "Sa totoo lang din Pia, I don't know what to think anymore when it comes to you and Stephen. Ang hirap nyong I-predict. Minsan kasi, akala ko maayos na lahat. Tapos biglang hindi pala." Na-iiling nyang sabi.

"I thought so too, Agua." Akala ko tapos na e. Tapos na yung problema. But I guess, as long as I live in my own world of fear, laging magiging ganito ang sitwasyon.

"Kinausap mo na ba sya?" Parang si Kuya si Agua. They try to pick words that will make me comfortable. Yun nga lang, mas nagmumukhang nag-aalinlangan sila.

"We tried to talk." That scene in his office had been in my head since then. The hurt, pero di ko naman sya pwede sisihin. Lahat naman kasi yun, ako ang dahilan. "Pero di naging maganda e."

Alam kong nakikita ni Agua kung gaano kahirap sakin pag-usapan ang lahat ng 'to. Ramdam nya na sobrang nasaktan ako sa naging pag-uusap namin. I saw the concern as well.

"And you know what's worst than that conversation?" I've never been this nervous all my life. Ngayon pa lang na alam kong napapalapit na ang pagkikita ng mag-ama. "May mas ikagagalit pa sya. Mas may dahilan pa syang kamuhian ako bukod sa basta basta kong pag-alis." Ayoko man gumawa ng eksena pero ang pag-iyak ko ay nakakuha ng konting atensyon.

"Kalma, Pia." Sabi ni Agua habang pinapatahan ako. "I don't get it. May nagawa ka ba?" So, Mommy didn't say a word. Talagang tinago nya lang sa sarili nya.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon