58

96 4 1
                                    

"Love, anong oras ka uuwi? May meeting ka ba?" Tanong ni Pia.

Nakabalik na kami galing Bora. Dalawang araw lang kami dun pero kitang kita ko na kung ano ang magiging araw-araw ko. Eto na yung pinakahihintay ko. Yung gigising ako at matutulog ako na si Pia ang nakikita ko. Kaya kahit anong inis ni Pia dahil nga daw tumataba sya, di ko pinapansin. Minsan napipikon ako kasi di ko makita yung mali dun.

"Pupunta akong site. Bakit?" Sabi ko habang nagbibihis.

"Uwi ka maaga." Nakita ko sya na nakaupo sa kama at nakatingin lang sakin. Nagpapaawa ang mukha.

"Di na lang ako pupunta ng site para maaga ako umuwi." Sabi ko ng papalapit sa kanya. Nakita ko naman na nagdalawang isip sya pero umiling.

"Pumunta ka pa din. Basta wag lang masyadong late." Yumakap sya pagkaupong pagkaupo ko. Malinaw ang tubig. Walang bagyo ah?

"Baby, di ako makakauwi ng maaga kung pupunta ako sa Laguna." Hinahagod ko ang likod nya kasi alam kong magbabago na ang mood nya. Alam nyang pag sinabi kong Laguna ibig sabihin ay Clara. Ang bagong babae na nagpapabago ng aura ni Ma'am Sophie.

Naramdaman ko kagad na kumakawala sya sa yakap ko kaya hinigpitan ko pa. Ayan na, bumabagsak na ang ambon. Mamaya lalakas na ang ulan.

"Sama ka na lang sakin. Para naman ganahan ako sa trabaho." Hindi ako makakaalis na ganito si Pia. Di rin ako makapagfocus sa trabaho.

"Wag na. Sige ingat ka." Sabi nya na walang ka-emo-emosyon.

"Sasama ka o gagahasain kita buong araw? Pili bilis!" Hinawakan ko pa ang mukha nya.

"Aalis ka na o di mo po kami maaabutan mamaya pag-uwi mo?" Pananakot din nya.

"Parang kaya mong gawin. Wag ako." Hinalikan ko ang labi nya. Sunod sunod. Para wala ng kuda. Pumatong na din ako sa kanya.

"Malulukot yung damit mo, Lord Stephen!" Tinutulak nya ako pero umiiwas na malukot ang damit ko. Di ko naman sya pinansin. Kailangan mawala sa isip nya ang pagdududa bago ako umalis. Kayang kaya nya ko iwan, alam ko yun. "Baby!" Munting sigaw nya para lumayo ako sa kanya pero di ko sya hinayaang manalo. "Okay, fine. You can go na. I'm not jealous anymore." Yown!

"Mahal kita, Sophia." Sabi ko sa seryosong tono.

"I know." Nakayuko nyang sabi. "Sorry. I just want to spend some time with you." Malungkot nyang sabi.

"Sumama ka na lang sakin. Wala naman akong meeting. Puro revise lang sa office. Tara na." May meeting ako, yun ang totoo. Pero kung ganitong Sophia naman ang makikita ko, kahit erpats pa nya kameeting ko, di ko pupuntahan.

"No, Love. It's okay." Ngumiti na sya. Pero wag ako lokohin nya. Alam kong peke yun. "I'll just go to the mall. Okay lang?"

Tinitigan ko pa sya mabuti. Alam ko naman na gusto nya sumama pero pinipigilan nya ang sarili. Alam kong iniisip pa din nya ang mga sinabi ni Clara. "Ano gagawin mo dun? Sino kasama mo? Kukunin mo si Yago sa Mommy mo? Si Agua, tawagan mo. Wala naman atang ginagawa Kuya mo ngayon, magpasama ka." Gusto ko sya samahan pero lahat ng gagawin ko ngayon ay deadline bukas. Gago ako, pero pagtrabaho, matino ako.

"I'll let you know." Sabi nya habang hinihimas ang mukha ko.

"Ngayon mo na sabihin sakin. Hindi rin ako makapag-concentrate sa trabaho dahil iniisip kita." Bawat kilos nya gusto ko, alam ko. Siguro takot. Pero wala akong pake. Aalamin ko pa din.

"I might ask Agua. Kung wala syang gagawin, then mall kami. If meron, then I'll just go to our house. Di naman papayag si Mommy na umuwi pa si Yago e. So sunduin mo na lang kami dun." Sabay halik sa labi ko.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon