37

76 3 2
                                    

Ilang araw pa kaya ang dadating sa buhay ko na laging may pasabog? Laging may bagong nalalaman. Laging may hindi kinakaya.

Hindi ko pa nga matanggap na aalis si Lord, malalaman ko naman kung saan at gaano katagal. Goodness!

I'm back in my room and I'm back on overthinking everything.

Kailangan ba talaga namin magkalayo ng ganun katagal? Ng ganun kalayo? Ulit? Naisip lang ba nya lahat ng desisyon nya nung isang gabi? O matagal na nya 'tong plano? Totoo nga atang naghihiganti sya kasi kung kelan kailangan ko sya, aalis sya.

Paano din ang anak namin? Paano ko din sasabihin sa kanya? Tama bang sabihin ko sa kanya? Magbabago ba isip nya? Aba syempre! Anak nya yan e! Magbabago isip nya para sa anak lang nya, ganun?

I don't know what to think anymore. Daig ko pa nag-eexam sa dami ng kailangan sagutin na tanong. Daig ko pa nag-eexercise sa pagod kaka-isip ng mga posibleng mangyari. I am telling myself na isa isa lang. But honestly, hindi ko alam kung ano uunahin ko.

Kung hahayaan ko umalis si Lord, what good will it bring? What's the assurance that when he gets back, samin pa din sya ng anak nya? Pag umalis ba sya, pagbalik nya, sigurado bang nakatali na ang mga paa ni Ryla at di na makakalapit sa kanya?

And just in case he stays, ano rin ang assurance na kami hanggang huli? Pag kasama ko sya, will we both mature? Matitigil ba ang mga walang kwentang away namin? Ma-ibabaon ba nya sa lupa si Ryla?

Shit! Puro tanong, wala naman masagot!

All night, I'm thinking of what to do. Of what to say. But I ended up knowing nothing. I ended up alone.

Kagigising ko lang the next day, may kumakatok na. And when I opened it, kasama namin sa bahay ang nabungaran ko at sinasabing kakain na. I wanted to say na hindi ako kakain, pero naisip kong buntis nga pala ako. So I just told her na bababa ako.

I saw Dad reading his newspaper. Please po. Not another confrontation. Please, not now. Si Dad ang unang bumati sakin. "Kumain ka na."

"Sila Mommy po?" I asked while sitting.

"May meeting sila. Parehong maaga kaya di mo na naabutan." Binaba nya ang binabasa at tumingin sakin. "Sophia, may plano ka pa bang magtrabaho?" He asked in a very serious tone.

"Opo naman Dad." Di ako makatingin sa kanya.

"Ilang araw ka ng absent?" He asked again. Hindi ako sumagot. "Tumawag dito si Rodel. Nagtatanong na daw ang boss nyo kung may sakit ka pa din."

"I'll call later, Dad." I just said.

Tinignan naman ako ni Daddy. Sinusuri ako at para bang naghahanap ng kung ano sa mukha ko. And then I heard him sigh.

He let me eat in silence kahit na nga ba ramdam ko na gustong gusto na nya magsalita. And I just thought na mapipigil nya pa ang sarili nya, pero hindi.

"Tinanong ko si Stephen kung ano ang plano nya sa'yo." Dad started. Ayoko man tumingin pero nakuha nya ang atensyon ko. "Tinanong ko sya dahil dito." May inilabas syang isang maliit na box.

With hesitation, I opened the box. Nanginginig pa ang mga daliri ko. When I saw what's inside, hindi ko na naman alam kung ano mararamdaman ko.

"Sabi nya, habang wala sya, ikaw ang gusto nya magbantay ng condo nya. He even wanted you to stay there. Gusto din nya na ikaw ang gumamit ng sasakyan nya." Dad said without leaving his eyes on me.

"Hindi ko po 'to alam, Dad." Sinabi ko habang hinahawakan ang dalawang susi.

"I know." Napatingin ako kay Daddy. "Sinabi naman nya kasi sakin na wala kang alam sa mga plano nya."

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon