22

104 5 0
                                    

It is Saturday and thank God, nandito ang buo kong pamilya. Simula kasi ng dumating ako, lagi na lang kaming kulang. I mean, madalas late na nakakauwi si Dad. Sabi nya, nabawasan daw ang workload ni Kuya sa firm dahil sa business nya pero nadagdagan naman daw kay Dad. Si Mom naman, dumami talaga ang clients. Most of them pa daw ay showbiz kaya demanding. And Kuya, tutok talaga sa business nya.

"Hi!" It is breakfast time and they are starting to eat already.

"Hi Anak! Tara na dito!" Mom said while putting food on my plate.

"Wala kayong lakad lahat?" Isa isa ko silang tinignan at sabay sabay naman silang umiling. "Good! I'll cook our lunch."

Everyone look at me at di nila natuloy ang pgsubo ng kanya kanyang pagkain. It is like may dalawang ulo ang nakakabit sakin.

"Pia, alam mong maarte ang tyan ko. Kapag di si mommy ang nagluto talagang nagrerebolusyon. Kaya please. Wag na lang." Maarteng sabi ng pinakasupportive kong kapatid.

"Bahala ka. Basta ako ang magluluto. Kung ayaw mo e di wag mo kainin." Inirapan ko nga.

"Sige nga. Pakita mo ang natutunan mo sa States, Anak." May hint of proudness sa boses ni Dad.

"Pero Dad dadating mga kaibigan ko. Baka mamaya lahat yun sugod natin sa ospital dahil sa food poisoning!" Nambbwisit pa din na sabi ni Kuya.

"E sino naman kasi nagsabi na papakainin ko mga kaibigan mo?! Dun kayo sa labas kumain!" Napipikon na ko. Akala yata nitong kapatid ko wala pa din akong alam. "Isa pa, ngayon dating ni Agua at dito sya tutuloy kaya ako magluluto!"

Sabi kasi ni Agua, bago sya umuwi sa kanila ay pupuntahan na nya muna ko. So I decided to cook something for him.

"Bien tigilan mo ang kaptid mo." Napapa-iling na lang din si Dad sa kalokohan ni Kuya.

"Ikaw ang tanda mo na pero mapangbuska ka pa din sa kapatid mo. Don't you miss her?" Hinimas pa ni Mommy ang buhok ko.

"Sus! Nung wala yan alagang alaga nyo ko tapos ngayon dumating pinagtatanggol nyo na." Himig nagseselos si Kuya but I know him better, pinagtitripan nito si Mommy.

"Arte mo po Kuya." Natatawa kong sabi. "Tikman mo muna kasi luto ko bago mo husgahan."

"Siguraduhin mong masarap at dagdagan mo na din. Dadating talaga barkada ko." Napipilitan nyang sabi.

Our breakfast was fine. Kahit madalas akong iniinis ni Kuya, to the rescue pa din naman sila Mom. Natatawa na nga lang ako kasi ang tanda na namin pero sinasaway kami ng magulang namin na parang toddlers. Si Kuya lang naman ang sinasaway nila kasi sya talaga ang mapang-inis.

After breakfast ay pinahanda ko na lahat ng ingredients na kakailanganin ko. Yung iba wala pa sa bahay kaya kinailangan pa bumili.

Nagprepare ako ng tatlong putahe. Inunahan ko na din naman sila Dad na hindi pang restaurant ang menu ko since ang natutunan kong lutuin sa States ay mga comfort food ko. Filipino dishes pa din. I prepared Kare-kare and Adobo para sa ulam. Gumawa lang din ako ng Carbonara para may pasta mga kaibigan ni Kuya at isa din yun sa paborito ni Agua na niluluto ko.

I'm almost done when Mom came in our kitchen. She just sat on one of the chairs at tinitigan lang ako. I can see a small smile.

"What's with the stare Mom?" Natatawa ako kasi parang nangangarap sya sa pagtingin sakin.

"Seeing you so comfortable in the kitchen makes me believe na tama ang naging desisyon namin na pakawalan ka." Nakangiti nyang sabi. "You learned a lot."

"I do Mom." Tinignan ko din sya. "I do everything back in States. From laundry to washing dishes to cooking my own food to cleaning the house." Napapa-iling na lang ako ngayon na may ngiti sa bibig sa pag-alala ng lahat ng nagawa ko.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon