31

83 3 2
                                    

Nakarating kami sa isang bakanteng lote. May mga nakaparada ng sasakyan.

"How many of you will handle this project?" Medyo madami kasing sasakyan.

"Kaming dalawa lang." Pinatay na nya yung sasakyan at tumingin sakin. "Baby?"

"Yes?" Nakikita kong nag-aalala sya. Nakatingin lang sya sakin. "I'll be fine." I assure him. "I just want to see kung paano ka magtrabaho as an architect. I want to see kung kasing eager at passionate ka just like when you put your masterpieces to other people."

"At pag di mo nakita?" Nakataas ang kilay na tanong nya.

"Ipapatanggal kita kay Dad so you can go back to what you really love." I smiled.

Natawa naman sya sa sinabi ko. "E di sa'yo ako babalik?"

"Bakit? Umalis ka ba?" Nakataas na kilay na rebuttal ko sa kanya.

"Hindi. Ikaw nga nang-iwan e." Hinawakan nya ang mukha ko.

"E kasi naglumandi ka po. Nagsawa ka ata sakin." Himig nagtatampo ako.

"Gusto mo ba iparamdam ko sa'yo kung gaano ako kasabik sa'yo?" Inilalapit nya ang mukha nya sakin. "Tangina Pia. Hindi mo alam kung gaano kita hinanap hanap."

We kissed. That longing kiss. He made me feel how he wanted me. How he wanted this to happen.

"Bumalik ka na sakin Baby." He said after a kiss. "Parang awa mo na."

"Lord." I caress his face.

"Alam ko. Paulit ulit tayo. Alam ko paulit ulit ako sa mga sinasabi ko. Pero parang awa mo na. Bumalik ka na. Miss na miss na kita." Malungkot na sabi nya.

Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Gusto ko. Gusto ko bumalik pero tama na ba na balikan sya kahit ang dami pang di namin napag-uusapan?

"Paano yung mga di pa natin tapos na problema? I can't stand her Lord. I'm sorry." I really can't. Pero kung ganitong lagi naman pala silang magkakasama, baka lagi lang din kami mag-away.

"Magreresign ako. Ako na mismo ang lalayo." Eagerly he said.

I inhale. "That's not how it should work." We are talking about his job. "Kailangan ko lang talaga magtiwala."

"O di pagkatiwalaan mo ko. Paano ba? Ano ba dapat kong gawin? Itali mo ko sa'yo? Sabihin mo! Tangina lahat gagawin ko." He's being frustrated again.

"Lord." I hold his face. "Naniniwala ka bang tayo hanggang huli? Kasi ako, may part man sakin na nag-aalinlangan sa tiwala ko sa'yo, naniniwala pa din ako na tayo ang magtatagpo sa huli." I smile. "I don't believe na pinagtagpo pero di tayo tinadhana. Because you will always be my end game."

"Sa akin ka lang?" He wants assurance kahit sya naman ang nagloko.

"Sa'yo lang ako." I smile.

"O e di tapos ang usapan. Tayo na ulit. Sus! Dami pang pasakalye e." Mayabang nyang sabi.

"Hoooy! Hindi pa po ako nakikipagbalikan no!" Pinalo ko nga sa dibdib pero nahuli din nya.

"Tayo na. Tapos ang usapan." Inayos na nya ang buhok nya then may kinuha sya sa likod. "Pahirapan mo ko hanggang gusto mo Pia. Pero markado kita. Naalala mo sinabi ko nung umamin ka sakin?" He looked at me. "Pag sinabi kong akin ka, akin ka. Nakakasakal ako magmahal. Nakakatakot nga. Pero sisiguraduhin ko sa'yo na ako lang ang magmamahal ng ganito." He opened the door. "Tara na."

After nya ako pagbuksan, mas nakita ko ang lawak ng lupain. May mga bahay na din sa ibang parte. Siguro ay isa itong compound ng pamilya. Maganda ang view dahil sa may bandang dulo ay may dalampasigan akong natatanaw.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon