45

82 7 1
                                    

Nagising ako dahil sa mga katok mula sa pintuan. Since I became a mother, feeling ko kahit mahihinang tunog, naririnig ko pa din. I looked at my phone to check the time and it is just six in the morning. Ang aga naman mambulabog nun.

I didn't mind my look. Ready na yung annoyed face ko sa taong kumakatok. That person should know that my sleep is so precious. Hirap na hirap kaya ako matulog kagabi because of everything that had been happening.

When I reached the door, saktong pagbukas ko, humikab ako pero nabitin naman dahil sa taong nakita ko.

"Gusto ko sana makita si Yago." Ni wala man lang good morning ang lalaking 'to. Always straight to the point.

Forgetting how I look, I opened the door widely. "Tulog pa." Napansin ko naman na hindi sya makatingin ng deretso sakin. "Problem?"

"Yung dibdib mo halatang halata dyan sa suot mo." And finally, I remembered the way I looked and dressed.

I automatically turned my back and went straight to our CR. Pagkasaradong pagkasarado ko ng pinto, tumingin ako sa salamin and yes! Parang nagfree show tong dibdib ko kay Lord. Okay lang yan. Nakita na naman nya yan e!

I inhaled deeply before I wash my face and brush my teeth. After nun dumiretso na din ako sa kwarto para magsuot ng something decent at baka isipin ni Lord, nang-aakit na talaga ako. Feeling ko hindi si Lord nag-iisip nyan, Girl. Di kaya ikaw lang?

Dumiretso na ako sa kusina. Nagtimpla ako ng kape namin dalawa. And as I went back to Lord, I saw him holding one of Yago's picture.

"First birthday nya yan. He was so happy when we went to Cebu. Kahit wala pang masyadong alam, he's so happy whenever nasa mall sya. Kaya yun na lang ang ginawa ko. We went to have a vacation in Cebu then we went to different malls na din." Limitado lang din naman kasi ang makikita ni Yago dito sa isla ng Boracay.

"Madami syang makikitang mall sa Manila." He responded. At bumalik na naman ang agam agam sa puso ko.

Hindi ko pa din kasi alam kung ano ang dapat kong gawin. Ramdam ko ang finality sa mga salita ni Lord. He is decided and not even my tears would make him waver.

"Anong oras sya gumigising?" Tanong nya nung hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya.

"Usually, 8 or 9." Sabay abot ng kape.

"Sino nagbabantay sa kanya pag may pasok ka?" Kinuha naman nya ang kape then sit down.

"Pag off ni Annie, sya. Pero pag pareho kaming may pasok, si Aling Lourdes ang nagbabantay. Yung matandang dalaga dyan sa kabila. Sabik na din kasi sa bata since wala nga syang anak." Mabait pa sya kay Yago. She even buys stuff for Yago.

"May pasok ka ba ngayon?" Na-ilang ako when he looked at me. Head to toe ba naman ang ginawa e.

"Yup. Mamayang 8 ang pasok ko." Umupo na din ako sa pang-isahang upuan.

"Ako na mag-alaga habang nasa trabaho ka. Kasama ko naman sila Mommy mo." Ramdam ko ang excitement ni Lord.

"Oo naman." Nakangiti ko na din na sagot sa kanya. "Nagsabi ka din naman sa kanya na magkasama kayo ngayon di ba?"

One thing about Yago, at a very young age he remembers everything you tell him. If you tell him that he would go swimming the next day, he would remember. And if you don't allow him, parang ama nya, mabilis mainis.

"Pwede na ba kami magswimming pagkagising nya? Ano ba dapat ilagay bago sya magswimming? Hanggang anong oras lang ba sya pwede magswimming? Sa pagkain? May mga hindi ba sya kinakain? Ano paborito nya?" Sunod sunod na tanong ni Lord na ikinatawa ko.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon