40

74 4 0
                                    

"Party 'to Beh! Hindi lamay!" Sabi ni Agua habang umuupo sa tabi ko.

"Sasama ka na ba kagad sakin mamaya o susunod ka na lang?" As much as possible, gusto ko iiwas ang mga ganung usapan.

"Ay Teh! Ang maleta ko ay nasa kotse na. I'm so ready!!!" Sabay flip ng hair.

Natawa naman ako. You know? Some things just still stay the same. Talking to Agua makes everything light. Na kahit gaano kaseryoso ang mga bagay bagay, mapapasukan pa din nya ng kalokohan.

"May I have this dance?" I smiled after seeing Kuya. Nakalahad na ang kanyang kamay.

"Sure Kuya!" Natawa naman ako kasi naunahan pa ako sumagot ni Agua.

"Later Rods." Tinapik pa ni Kuya si Agua na mas lalong nakapagpasimangot sa betla.

As we slow dance, I can feel that Kuya wanted to say something. "Spill it, Brother." Naiiling kong sabi sa kanya.

"Kumusta ka?" Again. That question.

"I'm fine, Kuya. Why do you ask?" Nginitian ko sya.

"Kasi alam kong hindi ka okay?" Patanong din nyang sagot.

Natawa naman ako. "Kuya?" Tumingin sya sakin. "Naranasan mo na ba yung hindi lahat umaayon sa gusto mo pero may isang bagay na nagpapakita pa din sa'yo na maganda pa din ang buhay, after all?" I smiled again. "Kuya, I still love Lord. Hindi nawala kahit minsan."

"Ah. Yeah, I know?" Natatawa ako kasi lahat ng sagot nya patanong na parang nananantya.

"Yeah, you know." I knowingly say.

"Does he know?" He asked.

"Is it important for him to know?" I looked away. "Si Lord kasi yung part sa buhay ko na hindi umaayon e." I sadly smile. "Ilang taon na nga ba ang nasayang namin dalawa? And for what? Lagi namin sinasabi na we needed space to grow and mature. Pero in reality, we wanted that space to escape. Well, in my part."

"At least now you know?" I just can't contain my laugh. Why does he sound so unsure? Natawa na din sya. "Okay okay. Serious na. So now, what's your plan?"

"You're asking my A game ha?" I smirk.

"Syempre. Para ako sidekick mo." Kinindatan pa nya ako. And again, a genuine laugh came out of me.

"Well, first, I still need to talk to him. He needs to know something." Yago. "So I got a little favor to ask to my sidekick." I said smiling.

"Shoot!" He looks excited. Feeling ata ng kapatid ko masyadong mabigat ang misyon nya.

"Make him join you pag pumunta kayo sa Bora." Baka pwede pa nya ako isingit ulit sa schedule nya. "I'll be leaving later tonight. So, wala na akong time para masabi sa kanya ngayon kung ano man ang gusto ko sabihin sa kanya."

"Yun lang gagawin ko?" He sounded so disappointed.

"You'll know the rest when you get there, okay?" I hugged Kuya kaya naramdaman kong tumango sya. "Kuya, I just want to thank you for everything. I know I made a lot of things complicated. I made a lot of mistakes. But you're always there to put up with me. Everything just felt a lot easier because of your support." I don't wanna cry but this time, I cried because I'm happy.

"Alam mo naman na nagtatampo ako sa'yo di ba?" I nodded as well while I'm still hugging him. "Pero kahit gaano kalalim ang tampo ko, lagi mong tandaan na mas malalim ang pagmamahal ko sa'yo, Sophia." Kumalas sya sa yakap at hinwakan ang mukha ko. "Hindi mo pwedeng sabihin na masyado ng late para marealize mo ang mga bagay bagay. Katulad ng sinabi ko sa'yo noon, may kanya kanya tayong pamamaraan sa pagharap sa problema. We have our own timeline. What's important now is you know what you did. And you're willing to change."

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon