15

123 10 5
                                    

"Ano? Manonood ba tayo?" Tinatanong ni Agua kung manonood kami ng laro nila Lord.

Today is Saturday and palabas pa lang kami ng work kasi from GY kami. Gusto nya ay dumirecho na kami dun. Baka daw kasi ang kalaban ulit ay yung huling nakalaban na madami daw gwapo.

"Medyo pagod ako e." Hinihila na ako ng antok. Unang araw ko kasi ulit sa GY kaya di pa nakakasunod ang body clock ko.

"Saglit lang naman yun. Please Pia?" Nagpaawa pa tong si Agua. "Isa pa, uupo ka lang naman dun kaya please? Tara naaaaa!" Umaatungal na si Agua.

I wanted to watch too kaya lang kasi feeling ko ang haggard ko. Sabi pa naman ni Kuya madaming manonood ngayon kasi may inorganize daw na reunion dahil mostly of their batchmates ay nandito sa Pinas for Christmas vacation.

"Ano na te? Tara na please?" Agua really wanted to go.

"Okay sige." I'll just leave right after the game. Inaantok talaga ako, di ko lang alam bakit masyadong mataas pa ang energy ni Agua.

While we are on our way to the gym, ang daming sinasabi ni Agua. Na sana daw may pumansin sa ganda nya. Na crush na crush daw nya talaga ang isa sa mga pinsan ni Diego. Hinanap pa daw nya sa FB at inadd. Napapailing na lang talaga ako sa kalokohan nya.

Nung nakapasok na kami sa school, dumirecho na kami sa court. True enough with what Kuya said, ang dami nga ng tao ngayon. I remember some of the people pero mostly di ko na kilala.

"Anyare? Bakit ang daming humans?" Nagtatakang tanong ni Agua. "Naubusan na ba ng lalaki sa ibang lugar at nagsanib pwersa ang mga kababaihan dito?"

We look for a seat pero crowded talaga ang place ngayon. Pati bleachers for players ay wala na din space.

"Kaya naman pala. Alumni VS. Varsity ang labanan." So, kaya pala madami ding medyo kabataan ngayon.

"Dito na lang tayo Agua, kita naman e." Nasa bukana kami ng court. Kita naman ang laro though may ilan ilan na nakaharang samin. I thought Agua would listen pero talagang siniksik nya ang sarili nya para makapunta pa ng kaunti sa harap.

Ang ingay lang talaga ngayon. Ang daming nagcheer sa mga varsity kasi syempre sila ang lumalaban ngayon para sa school at talagang mga gwapo din pero di naman magpapatalo ang mga supporters nila Kuya.

"Nandyan na pala ulit si Ryla no?" I heard a familiar name na sinusubukan kong iwaglit sa isip ko.

"Naku! Ilang buwan na din no!" Sagot naman ng isa. "Lalo syang gumanda no? Kaya siguro ganado si Stephen at Bien maglaro." Nanigas na naman ako sa pagbanggit pa lang ng pangalan ni Lord.

Natawa naman ang kausap. "Ang galing lang no? After everything that happened, buti nagkaayos pa din si Stephen at Bien." Kinuha ng bawat salita na yun ang interes ko.

"Umalis din naman kasi si Ryla. Siguro kung nagstay sya, baka di din naayos yung dalawa at hanggang ngayon ay pinag-aagawan pa din sya." I almost choke. Si Kuya at Stephen?

"Pero sa tingin ko magpaparaya naman yang si Bien. Mahal na mahal kaya nyan si Ryla. Lahat ng gusto bigay e." I just can't believe what I'm hearing right now.

"Pero ngayon, sa tingin mo? May gusto pa din kaya sila kay Ryla?" She sounded curious.

"Si Bien, di ko alam. Pero si Stephen, di ba may girlfriend yan ngayon?" I want to say it's me pero it will just cut their conversation.

"Sus! Assurance ba yun? E alam mo naman na halos magpakamatay si Stephen dati wag lang umalis si Ryla." Just as I thought I knew everything pero wala pa pala sa kalingkingan ang alam ko.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon