6 - 1

154 9 0
                                    

May party later sa pinagtratrabahuhan ko. We are celebrating the 60th anniversary of the hotel. Hindi naman kailangan umattend pero kasi si Agua, ilang araw na kong kinukulit na umattend nga kami. Chance daw nya kasi makita at makilala ang ibang katrabaho namin. At bilang introvert ako, I told him na ayoko pumunta. Itutulog ko na lang since ilang araw na kong nadeprive ng tulog. But he insisted at magagalit daw talaga sya pag di ko sya sinamahan.

Kaya eto ako ngayon, inaayusan ni Mom.

My Mom is beautiful. Looking at her now, parang ang bata pa din nya tignan. On rare occasions na magkasama kaming umaattend, madalas kaming mapagkamalang magkapatid. They say my Mom looks stunning as always. And my Dad would always brag that my Mom is beautiful because of him. Kasi nga daw, happy wife, happy life. Maganda daw si Mom kasi pinapasaya nya.

Nakikita ko naman talaga na masaya si Mom. At kahit gaano sya kabusy sa work nya as a fashion designer, she never forgets to take care of herself.

"Mom, you look young and beautiful, paano?" Nakangiti kong tingin sa kanya.

She laughed with my question. "Silly girl!" She pinched my cheek. "You know my Dear, the secret to be beautiful and to look young is to choose what makes you happy. Malakas kasi talaga makatanda ang stress." Natatawa pa din nyang sagot.

"Pero di naman palaging masaya ang buhay Mom. Sabi nga nila, 80 % madalas ang nararanasan ay sakit then sasaya ka ng 20 %." That's base on research.

"Well, para yan sa mga taong pinipiling maging miserable at malungkot ang buhay." Nakangiti nyang sagot. "Bago ako naging ganito kasaya, ang dami ko din pinagdaanan. Maybe you're right, mas mahaba ang oras para maging malungkot. Pero mas pinili kong tignan ang brighter side ng bawat sitwasyon. Lalo na nung dumating kayo ni Kuya sa buhay ko." She's now doing my hair. "Nawalan ako ng pagkakataon malungkot. Nawalan ako ng pagkakataon na maging miserable kasi dumating kayo. Ayoko na makita nyong ang panget ng Mommy nyo just because nagpatalo ako sa lungkot no." Nagkatawanan kaming dalawa. "Pero syempre, big part si Daddy kung bakit happy ako."

I smiled. "Sana magkaron din ako ng katulad ng sa inyo ni Dad." I dreamily said.

Maybe every girl dreams such fairytale. Yung may dadating na knight in shining armour. Ililigtas ka sa kalungkutan. And you'll live happily ever after.

"You know, it is not always rainbows and butterflies in our love story. We went through hell before we live a happily ever after. Tinrabaho namin to ng Daddy nyo lalo na sa pagkakataon na pareho naming gustong sumuko." She said.

"But how would you know kung sya na talaga?" The very typical question.

"Yung sinasabi nilang, you'll feel it pag sya na. Titigil ang mundo and all. Butterflies in your stomach. Everything is in slow motion. Well, yes. Ganun ang naramdaman ko at some point sa relasyon namin ng Daddy mo. Pero mas nasabi kong sya na ang para sakin nung mga panahon na nakita kong ang hirap ko ng mahalin pero hindi sya bumitaw." She's almost done with what she's doing with my hair.

"Meron pa kayang katulad ni Dad?" Meron pa kayang taong kaya kang tanggapin at mahalin kahit di ka na kamahal mahal?

"Oo naman. Meron yan. And I believe na isa dun ang sasalo sayo pag nahulog ka na." She touched my cheek. "Don't rush my Dear. Dadating at dadating yan sa tamang panahon."

Ngumiti lang ako. I hope. I hope that the right guy will come. And I hope it will be Lord.

"There you go!" Pinatayo ako ni Mom. "You look stunning Anak!" Maluha luha pa si Mommy.

"Syempre anak mo ko e." Naiiling kong sabi.

I'm wearing one of her creations (of course). It is a long gown. Black with diamond beeds. Nung una ayoko pa suutin kasi backless but Dad approved it and said na maganda at di naman kabastos bastos. Mommy gave me shawl just in case na lamigin daw ako. Sya din pumili ng pouch na gagamitin ko. Oh! Even the shoes. Perks of having a Mom who loves fashion.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon