47

97 6 2
                                    

Nagising ako dahil sa pagring ng cellphone. When I checked my phone,it wasn't that early. Seven na din pala. The phone didn't stop on ringing and I saw it on the bedside table. I suppose, that's Lord's.

Lord's face is on my neck. He's hugging me tight.

"Lord." Lord is a deep sleeper. I can even hear him snoring. "Lord, phone mo." Tinapiktapik ko na para magising. He moved. But just to hug me tighter. I caressed his hair. And whisper in his ear. "Magigising si Yago pag di mo sinagot yan." And just like magic, he's awake.

He looked at me in the eyes. "Morning."

That morning bedroom voice got me conscious but I can't move because he's still hugging me. "Good morning." I tried to smile as genuine as possible. "Answer your phone na. Baka magising si Yago."

Akala ko ay papansinin na nya ang maingay na telepono pero bumalik lang sya sa pwesto nya. "Patayin mo na lang. Pati yung tumatawag, patayin mo. Tangna nya. Natutulog ako e." Oh my Lord!

"Ikaw talaga!" Hinampas ko nga sa likod. "Sagutin mo na. Mukhang importante kasi paulit ulit e." No reaction from the guy whose now kissing my neck. "Lord, come on. Hindi ko rin maabot phone mo o." Agang landian nga naman o.

Bumangon si Lord. He looked at his son na mahimbing pa din ang tulog. I wonder how they spent the whole day yesterday para ganito kahimbing matulog 'tong batang' to. Matapos makitang mahimbing pa ang tulog, tinignan naman nya ako and kissed my forehead. And that's when he looked at his phone na ring pa din ng ring. Hindi na maipinta ang mukha.

"Siguraduhin mong mas mahalaga pa yang pagtawag mo kesa sa tulog ko." Kung kanina raspy ang boses nya at talaga naman nakakapanghina, ngayon, manghihina ka pa din. Sa takot. "Nasa bakasyon ako, tanga ka ba?" Inis na inis sya.

"Lord." He looked at me na kunot na kunot ang noo. "Words." Inirapan nya pa ko.

"Nasa impyerno kamo ko, dun sya sumunod!" This man never listens.

"Isa pa!" I just can't stop to butt in. Bukod sa mga salita, medyo tumataas na din ang boses nya.

He didn't talk for awhile, baka nakikinig sa sinasabi ng kausap. Nakatingin lang sya sakin.

"Kelan dating nya?" Mas kalmado na nyang tanong. "Ge. Tumawag ka na lang ulit pag nandito na yun." And without saying goodbye, he ended the call.

Nakatingin naman sya ngayon sa harap nya. Malalim ang iniisip.

"Okay ka lang?" Naupo na din ako at hinagod ang likod nya.

"Oo. Tinatamad lang ako magtrabaho." Humiga sya ulit at yumakap sakin.

"Work yun?" Ang haba na ng buhok nya. Mas lalo syang nagmumukhang bad boy.

"Hmm." He sounded sleepy again.

"Ano ba ginawa nyong mag-ama at mukhang pagod na pagod kayo?" Usually, Yago would wake up in the middle of the night and asks for milk. Pero ngayon, talagang deretso ang tulog.

"Nagswimming." Sa paraan ng pag sagot nya, bukod sa ramdam kong masaya sya, ramdam ko din na may kalokohan syang ginawa.

"Swimming lang?" I can't see his face. Tinatago nya. "You did island hopping?" At mas nagsumiksik sya. "Lord Stephen naman. For sure sinabi sa'yo ni Agua na di ko sya pinapayagan sa mga ganun. He might fall!" Iba kasi ang energy ni Yago pag nasa tubig na. Though at a young age, I would know that he'll be a great swimmer in the future.

Nagtaas sya ng mukha at tumingin sakin. Enjoy na enjoy syang makita na naiirita ako. Tumawa pa. "Wala naman nangyari ah?"

"Mga dahilan mo!" Pilit kong inalis ang braso nyang nakayakap at bumaling kay Yago.

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon