"Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday, happy birthday, Happy Birthday to you." Nagising ako dahil sa kanta ng aking pamilya. Mommy is holding a gift, while Daddy is holding the cake and my brother got a lot of balloons.
I sat on my bed and look at them with smile. Another year added to my age.
"Wish ka na Anak." Mommy joyfully said at tinulak pa si Dad palapit sakin.
I close my eyes. Thank you po sa isang taong puno ng pagmamahal galing sa pamilya ko, pang-unawa galing sa mga kaibigan ko at bagong kaligayahan galing kay Lord. I can't ask for more. Maraming salamat po Papa God. As I open my eyes, I blow the candle.
"Baka naman hiniling mo lang magtagal kayo ni Stephen." Mapang-asar na sabi ni Kuya.
"Wag mo inisin. Birthday e." Mommy kiss me on the cheeks. "Happy Birthday Anak!"
"Thanks Mom." I hug her as well.
"Happy Birthday Anak." Dad hug me too.
"Thanks Dad." Tumingin naman ako kay Kuya. "Ikaw? Di mo ko babatiin?" Di man lang kasi lumapit sakin.
"Happy Birthday Damulag!" Babati na lang mang-iinis pa talaga.
"Thanks Kuya." Yinakap ko na din sya.
"O regalo na namin lahat yan ha?" Kuya said nung inabot sakin ni Mommy yung box na hawak nya.
"Kuya ang kuripot mo. Bawasan mo naman yang kayamanan mo." I said while I'm opening the gift.
It is a camera. I love photography. I always take photos sa mga events na I attend. I believe kasi na it will always be those memories that will last forever.
"Thank you po." At madalas, sa bawat birthday ko, camera ang nagiging regalo nila sakin.
"O tara na. Magbreakfast na tayo para maayos na din natin lahat ng dadalin sa orphanage." Dad said while heading to my room's door.
They gave me time para makapag hilamos and then bumaba na ako.
"Anak nakausap ko na ang magcater sa orphanage ngayon, everything is settled naman na. Nakausap ko na din si Sister Niña and sobrang excited na daw ang mga bata." Since nagsimula na ako magbirthday sa orphanage, sila Sister na ang lagi kong pinupuntahan. Mostly sa mga bata ay may sakit sa puso o may iba pang karamdaman.
"Nandyan na din ang mga gamit na gusto mong ibigay sa mga bata. Dinala na ng mga nagdonate galing sa office." Kuya would always ask their staff to donate used clothes. O kahit anong pwede pang mapakinabangan ng mga bata.
"Nagpabili na din ako ng mga papel, lapis at bags para sa kanila Anak. Tignan mo na lang kung okay sayo." Dad usually buys things kids can use para matuto. Di man sila nakakapag aral sa normal na eskwelahan, ang mga madre naman ang nagtuturo sa kanila sa pagsulat o pag basa.
Every birthday ko, yun ang lagi kong hinihiling sa kanila. Something na pwede namin ibigay sa mga bata. Sabay sabay din kaming pupunta para makita at makisaya sa mga bata.
When we're done with our breakfast, nag-ayos na kami at naghanda na para makapunta na sa orphanage. I'm excited to see the kids again. May mga bata kasi dun na sobrang napalapit na sakin. Pag nakikita nila ako sobrang saya nila. Lagi silang nakasunod kahit saan ako magpunta.
We reach the orphanage after an hour of driving. Naka set up na lahat. The foods, give-aways, a box of donations and there's a stage kasi may mga batang magpeperform din.
"Happy Birthday Iha!" Sister greeted me as we enter. "Ang mga bata ay tuwang tuwa na naman at sobrang excited na makita ka." I can feel Sister's excitement.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...