59

123 8 2
                                    

Isang linggo na ng matapos ang birthday ko. Isang linggo na din na hindi ako pumapasok sa opisina. Isang linggo na din na inis na inis sa akin si Pia.

"Lord Stephen!" Bunganga ni Pia ang nagiging alarm clock ko. "It is already past 8! Bumangon ka na at maligo! Don't tell me na wala ka na naman planong pumasok?!" Ramdam na ramdam ko ang inis nya. Kulang na lang ay ihulog nya ako sa kama.

"Hindi nga ako papasok." Sinubukan ko syang hilahin at yakapin pero sinusuntok lang nya ako. Amazona talaga e.

"What the hell! Ano na naman ang dahilan mo ngayon?" Araw-araw kasi may mga dahilan akong sinasabi kung bakit ayaw este bakit hindi ako papasok. 

"Gusto lang kita alagaan." Ngayon lang ako nagsabi ng totoo sa kanya.

Buntis si Pia. Yun ang regalo nya sakin. Ultrasound ng baby namin. Sa tinagal tagal ko sa mundo, yun na ang pinakamahalagang regalong natanggap ko sa araw ng kaarawan ko.Hindi ko alam na kaya pala sya nagsusungit o mabilis mainis at magtampo ay dahil nagdadalang-tao na pala sya.

Hindi ko to naranasan kay Yago kaya lahat ng naging reaksyon ko at pagdadaanan ko ay bago para sakin.

Iba pala talaga ang saya kapag nalaman mong magiging tatay ka na. Syempre, siguro dahil handa naman ako. Lalo na at si Pia ang ina. Iyak lang ako ng iyak ng nakita ko yung regalo nya. Unang beses na nakita ako ni Pia na nagkaganun. Ang lakas nga makabakla pero pucha! Ano naman ang paki ko di ba? Magiging tatay na ako ulit.

"Lord." Malambing na ang pagkakatawag nya sakin. "Can we talk?" Hindi naman ako kumilos. Nakayakap pa din ako sa bewang nya pero ingat na ingat akong mahigpitan ang parte ng tyan nya. "Come on, Baby. I need to talk to you."

Huminga muna ako ng malalim bago umayos. Umupo na ako sa kama. "Bakit?" Tanong ko kahit na nga ba alam ko na ang mga sasabihin nya.

"You know that I'm just two weeks pregnant, right?" Tumango lang naman ako. "Alam mo din na okay lang ako, right?" Isa pang tango. "Good. Now, all you need to do is go and take a bath. The company needs you, Baby." Hinimas pa nya ang mukha ko. Akala nya siguro ay mauuto nya ko.

"Kayang magtrabaho ng mga tao ko kahit nandito ako sa bahay. Pinapadala din naman ni George lahat ng kailangan kong gawin o pirmahan." Araw-araw naman ako updated sa kung ano nangyayari e. Di ko alam kung bakit mas nag-aalala pa tong si Pia kesa sakin.

"Exactly my point! Araw-araw na pumupunta dito si George kasi di ka pumapasok." Mukhang mauubusan na naman sya ng pasensya.

"Ano naman?" Tanong ko pabalik. Kaya nga secretary ko sya e.

"The point is, dagdag trabaho ang di mo pagpasok. Baby, please." Nagmamakaawa na sya.

"Hindi ako papasok." Walang emosyon kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga  naman sya.

"Why?" Tanong nya.

"Gusto nga kita alagaan. Ang kulit Pia!" Umakto akong naiinis at baka sakaling tumigil na sya.

"Hindi ako baldado! I can walk! I can even run! Ano ba?!" Ayan, galit na talaga sya.

"Gusto mo ba maglakad o tumakbo? Tara!" Napahilamos naman sya sa mukha nya.

"Lord Stephen, wag mo ubusin ang pasensya ko!" Masama na ang tingin nya sakin. "Hindi ko alam kung ano tumatakbo dyan sa utak mo pero stop it. You have to work."

Tumahimik ako. Wala naman kasing silbe ang pakikipagtalo kay Pia. Wala din naman syang magagawa kung ayaw kong pumasok. Wala din akong magagawa kahit mainis sya. Basta di ako aalis sa tabi nya.

"Can you tell me why are you acting this way? Para maintindihan kita." Sinusubukan nyang maging kalmado.

Huminga ako ng malalim. "Gusto ko maranasan to, Pia. Yung kapag may gusto ka, nandito lang ako at gagawin kagad kahit ano pa yun. Pag may hiniling kang pagkain, bibilin ko kagad kahit saan pa yun. Gusto ko na pag may gusto kang puntahan, ako ang kasama mo kahit saan pa yun. Gusto ko nasa tabi mo ko habang nagbubuntis ka. Ayokong mawala ka sa paningin ko kasi baka kung ano mangyari sayo habang wala ako."

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon