I woke up early to cook breakfast for the two boys. Both are still sleeping peacefully while hugging each other.
Habang nakatingin sa linuluto ko, pumasok na naman ang mga alalahanin sa isip ko. Tomorrow, babalik na sa Manila si Lord. I got one day to think of what I should tell Lord. We need to talk about our set up. We need to settle our issues.
Habang tulala ako, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Paglingon ko, I saw Lord with disheveled hair. Still no shirt.
He's going to the bathroom."After mo dyan,magkape ka na." Dun lang ata nya ako napansin.
Tinignan lang nya ako then dumiretso na kagad sa CR. Ang sungit naman.
Habang hinihintay ko syang lumabas, hinanda ko na ang kape nya. I started preparing the breakfast as well. Baka sakaling lumambot ang puso pag nakakain na.
Paglabas nya ng CR,dederetso na sya pabalik sa kwarto. "Nagtimpla na ako ng kape o."
Huminto sya. Akala ko pupunta na sya sa kusina. "Iintayin ko na si Yago."
Akmang papasok na sya ng magsalita ako ulit. "Lord naman."
I saw him inhale. He then headed to where I am. Umupo sya ng walang kibo. Hindi ko alam kung gaano katagal na wala syang kibo. Nakatingin lang ako sa kanya. But he seems not to care.
"Galit ka ba?" Di ko na napigilan itanong pero wala pa din akong nakuhang sagot. Naiinis na ako sa totoo lang. Di ko kasi alam kung paano aamuin si Lord. Hindi ko din alam bakit ang tindi ng galit nya. "Ano? Di mo talaga ako kakausapin?!" I blurted out. Ang ikli ng pasensya mo 'te!
Tinignan nya ako. I was waiting for him to speak pero wala! Nakatingin lang sya na para bang bored na bored sya.
"Ano bang problema mo ha?" I'm starting to lose my cool. Di ko alam kung binubwisit lang kasi nya ako o talagang may galit sya e.
Hindi pa din sya nagsalita. Nakuha pa nyang humigop ng kape na parang walang pakeelam.
And that side of me na naiiyak na lang pag di ko na nagugustuhan ang nangyayari ay lumalabas na.
"Fine! Kung ayaw mo ko kausapin, bahala ka sa buhay mo!" Kesa ipakita ko sa kanya na paiyak na ko, I stood up and turned my back.
Pero bago pa ako makahakbang, he spoke. "Ganito gusto mo di ba? Yung parang wala ako sa buhay mo? Itatapon mo lang din naman ako, bakit di pa natin simulan ngayon?"
I closed my eyes so hard. Yung tipong pinipigilan ko ang sarili kong masakal ko sya sa mga sinasabi nya. After a few moments of calming my nerves, tumingin ako sa kanya. "Hindi ko alam kung ano yang pinagsasabi mo. Nakikipag-usap ako sa'yo ng maayos."
"Kapag gusto mo makipag-usap, dapat sumunod ako? Pero pag ako makikipag-usap sa'yo, kapag ayaw mo, ayaw mo. Ganun?" Sarcastic, he said.
"When did I do that?" I asked without blinking. Nanlalaki pa mata ko.
"Wow! Ayos ka talaga 'no?! Pag ikaw may gawa, ang bilis mo makalimot. Pag ako ang nagkamali, daig mo pa nagpatattoo. Bitbit mo kahit saan ang sumbat." Naiiling nyang sagot.
"Wow, parang 'pag ako ang nagkamali, kasing grabe ng sa'yo." Sagot ko naman ng naka-irap pa.
"Pagbalik mo sa Maynila, patattoo ka sakin. Lagay mo, 'tarantado si Lord'. Para di mo na sinasabi. Pakita mo na lang. Di ka pa mapapagod." He is really pissing me off.
BINABASA MO ANG
SoulMate (COMPLETE)
RomanceI fell in love with a bad boy. The bad boy fell in love with me. I got no words to describe how happy I was when it happened. It is like, every single day made me believe in love. He's possessive and all but the hell I care! Dahil para sakin, sya la...