44

96 7 2
                                    

Susundan ko dapat si Lord pero pinigilan ako ni Agua.

"We've talked about this di ba? Hayaan mo muna sya." Hinila ako pabalik ni Agua sa upuan.

I knew na mangyayari 'to. Akala ko handa ako. Pero linulukob ng takot ang puso ko. What if wala akong magawa? What if makuha nya ng tuluyan si Yago?

"He'll come in his senses. Or kausapin mo sya pagkalmado na sya. Masyadong mataas pa ang emosyon nya ngayon." Agua's trying to convince me to let this pass for now.

Napabuntong hininga naman ako. Alam ko naman na tama si Agua. Siguro hindi lang matanggap ng utak ko na may posibilidad na mawala sakin ang anak ko.

Nagpaalam muna ako kay Agua para puntahan si Yago sa kwarto. He is still asleep. Humiga na lang ako sa tabi nya at yinakap sya ng mahigpit.

I'm sorry, Yago. Mommy did something terrible that made your father so mad. Sa totoo lang, di ko alam kung maaayos pa. Hindi ko alam kung may naghihintay pa bang maayos na future para sa'yo. But please, remember that Mommy will fight for you no matter what happens. Ikaw ang bukod tanging di susukuan ni Mommy.

If only I could tell Yago what's happening, if only I could tell him na palambutin nya ang puso ng tatay nya, I would. Pero alam kong di pa nya naiintindihan kung ano man ang nangyayari ngayon.

After staring Yago for the longest time, di ko na naramdaman na nahila na pala ako ng antok. Nagising lang ako dahil may humahaplos sa mukha ko. At pagdilat ko ng mata, I saw Yago caressing my face while looking at me.

"Gising na pala ang Baby na yan!" I said as I hold his hand.

"Mama!" Nakangiti nyang sambit. "Ming! Ming!" He eagerly said.

"Aww. No swimming muna ha? Punta tayo sa hotel, you'll meet someone, okay?" You'll meet your father, Yago.

"No ming?" He asked again.

"No muna. But tomorrow, maybe." I smiled.

May kumatok, si Agua.

"Ayos na kaya kayong mag-ina? Gutom na 'ko e." Sabi nya habang papunta kay Yago.

"Sige, shower lang ako. Kaya mo ba bihisan yan?" Dinner time na din pala.

"Oo naman no. Sige na, mag-ayos ka na para mapansin ka na ng pudra nito." Panunukso ni Agua na parang di nya nakita ang galit ni Lord kanina.

"Manahimik ka!" Saway ko sa mga sinasabi nyang pwedeng maintindihan ni Yago.

After ko maligo, nag-ayos lang ako ng konti. Nagsuot lang ako ng summer dress na mahaba. My usual get up simula ng napunta na ako dito sa isla. I didn't dress up to impress simula ng naging nanay na ako. Minsan nga ay nakadaster pa ako sa bahay. I still take care of myself. Meron pa din naman ako mga skin routines, siguro hindi na lang talaga ako kasing glamorous nung si Mommy pa ang halos pumipili ng mga susuutin ko.

"Alam mo, kahit gaano yata kasimple ang isuot mo, pag ikaw ang may suot, nagmumukang pangmayaman." Puna ni Agua pagkalabas ko ng kwarto.

"Sige, bolahin mo pa ko." Irap ko pa sa kanya.

"Trot nga! Susko! Sakin mo pasuot yang daster na yan, magmumuka akong namamalimos e. Tapos bitbit ko pa tong batang 'to." Nanggigigil na naman sya kay Yago.

"Oo na." Para matapos na lang sya. "Tara na. Nasa restaurant na daw sila." I texted Kuya and he said na dun na kami magkita. Nakapag pareserve na din naman ako sa restaurant ng hotel para sa amin kaya pwede na sila maghintay doon.

As we walk towards the hotel, kinakabahan na naman ako. Makikita ko na naman sya. Makikita ko na naman ang galit at sakit. Kelan kaya matatapos 'tong guilt tripping sa utak ko?

SoulMate (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon