Chapter 3: Friends?

30K 639 21
                                    

A/N: Hello po. Please do Votes and Comments po, mahalaga po yun para saming mga Authors eh haha, Muahh mwahhh chup chup ❤❤ I love youu!!


KINABUKASAN.

"Kring kring kring" tunog ng alarm ko

Kinusot ko ang mata ko at tinignan kung anong oras na.

8:00am. Ok narin yun, para makaalis ako ng 9:00

Bumaba nako ng hagdan at pumuntang kusina, nakita ko si frank na kumakain na kaya sumabay narin ako sa pagkain


"Pst!!" tawag pansin ko kay Frank "Aalis ako ah, ikaw nalang muna bahala sa bahay. Kung gusto mo punta ka muna sa bahay nila Christian... basta ilolock mo ng maigi tong bahay natin ah" paalam ko

"San ka naman pupunta??" tanong nya habang nakakunot ang noo

"Hmmm...may kakausapin lang ako" Sagot ko

"Geh" agad na pagpayag nya

Pagtapos kong kumain ay naligo na ako at nagsuot ng tshirt na white, pantalon, robber shoes at sling bag.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha agad ito sa sling bag ko at tinignan ang text

Jonax:
Hey where are you?? I'm already here

Me:
Ok I'll be there later, just wait.

(Its already 9:00 kaya sumakay nako sa kotse at nagmaneho.)



Park - -

Nasan na kaya yun??

Luminga linga muna ako sa kabuuan ng Park na yun nang bigla kong nakita si Jonax na nakaupo sa bench. Lumapit ako papunta sa kanya at agad syang binati.

"Hi Jonax!! Kanina ka pa ba naandito??" tanong ko at umupo sa tabi nya.

"Hhmmm kani kanina lang naman hehe" sagot nya

Medyo nagkakahiyaan pa kami pero nilakasan ko ang loob ko na makita at makausap lang sya dahil ikapapahamak ko pa kapag sumugod ulit si Mhargareth samin.

"About nga pala sa sinabi mo sa school sakin kahapon, totoo bang hiniwalayan mo si Mhargareth para sakin??" tanong ko

"Oo eh" bumuntong hininga muna sya bago ituloy ang sasabihin, halatang napakalungkot ng mukha nya. "Nag away kasi kami eh akala nya kasi nagsisinungaling ako na hindi kita girlfriend"sagot nya

"Bakit mo ginawa yun? Dapat nag sorry ka nalang sa kanya baka mamaya sugurin nya ako eh" sabi ko

"Hayaan mo sya, eh sya naman ung gusto makipag break eh, tsaka gusto ko ng makipagkaibigan sayo alam kong weird yun sa isang gangster .... ang bait mo kasi eh tska ang ganda at talino mo pa" mahabang sagot nya

Medyo naginit ang pisngi ko sa mga sinabi nya sakin p️ero di parin mawawala ung inis ko sa kanya dahil naalala ko nanaman ang nang yari kahapon.

Ano bang sinasabi mo Caryl? Hindi ako kinikilig. Hindi ako kinikilig. Hindi ako kinikilig at kaylanman ay di ako kikiligin!! Naiinis ako sa kanya, hindi ako interesado sa kanya. Masama syang tao Caryl!

"Hhmm...oo gangster ka, mayabang, bully, pasaway pero tatanggapin ko ang request mong makipag kaibigan️" sagot ko habang ipinapakita ko ang pilit na ngiti.

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon