Pagpasok ko sa Room ay agad akong umupo sa tabi ng mga kaibigan ko. Naiinis ako! Salubong na salubong ang dalawang kilay ko at ang kamay ko ay nakakuyumos na nakapatong sa desk.
"Oh? Anong nangyari sa imbyernang Caryl?" narinig kong bulong ni BJ
"Caryl bakit? Anong nangyari? Nandito lang kami. Bat galit na galit ung mukha mo?" tanong ni Mitch.
Nagulat ako ng sabay sabay akong yakapin ng mga kaibigan ko, at yun ang dahilan para tumulo na ang luha ko ngunit agad ko naman yong pinunasan.
"Ok kung di ka pa handang sabihin samin, wag muna" nakangiting sabi ni Angela
Nakakataba ng puso dahil may kaibigan akong tulad nila. Hindi nila ako iniiwan at napakabait nila, pinapatawa nila ako sa mga biro at sa kaharutan nila kaya naman napapagaan ang pakiramdam ko tuwing matatawa ako sa pag aaway nila.
"Alam mo ba?" biglang tanong ni Mitch
"Hindi"
"Wala tayong afternoon Class!! Yess!! Makakatakas din tayo sa hell!" biglang sigaw ni BJ.
"Totoo?" natutuwang tanong ko
"Ay ayaw maniwala ni Caroyyll??" biro ni BJ
"Hahahahaha" tawa ko.
"Oh tamo! Napatawa ka rin namin" ani Angela.
Binuhat na namin ang bag namin at lumabas na ng room. Dinial ko si Rex habang pababa ng hagdan.
"Hello?" natuwa ako ng sagutin yon ni Rex
"Ahhmmm Rex, wala din ba kayong afternoon class?" tanong ko mula sa kabilang linya
"Wala, bakit Miss Nerd?"
"Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko
"Saan nanaman Miss Nerd?"
"Aish! Wag mo nga akong tawaging Miss Nerd!" naiinis na sabi ko. Siguradong nagpipigil na yun ng tawa sa kabilang linya jahaha
"San ba tayo pupunta?"
"Basta pupunta nalang ako sa Room nyo" sagot ko at pinutol ang linya "Ah guys, una na kayo ah. May pupuntahan pa kasi kami ni Rex eh"
"Naks naman si imbyerna. Oh sige" si BJ. Kumaway sila sakin at umalis na, ako naman ay pumunta na sa room ni Rex.
Pagpunta ko sa Room ni Rex ay nakita ko syang nakatayo na sa pinto ng Room nila.
"Rex!" tawag pansin ko sa kanya sabay kaway.
Lumapit sya sakin bitbit ang bag nya at saka humalik sa pisngi ko dahilan para kiligin ako. Sabay kaming bumaba ng building at lumabas sa school. Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa kotse nya. Agad kong sinabi sa kanya kung saan kami pupunta at agad naman syang nagmaneho papunta dun.
"Rex?" tawag ko sa kanya
"Yes Miss Nerd?" tanong nya
"Sorry kanina kung nasigawan at tinakbuhan kita ah" hinawakan ko ang kamay nya na nasa manibela kaya naman napatingin sya sakin.
"Ok lang yun" matamis na ngiting aniya. Ngumiti lang ako at binitawan ang kamay nya.
-------
Nandito kami ngayon ni Rex sa isang bundok. Balak ko talagang pumunta sa bundok ng Ilocos at sakto namang walang afternoon class kaya naman naisipan kong ngayon na kami pumunta ni Rex.