Chapter 18: Clubs

12.3K 422 18
                                    

KINABUKASAN .

Araw ng Biyernes/Friday

Nagising nanaman ako dahil sa katok ni Tita Lea kaya naman bumangon na ako at naligo. Pagkatapos kong maligo ay kumain na kami ni Ronald at pumunta na kami sa school.

Room.

Pagdating ko ng Room ay agad akong umupo sa tabi ng tatlo kong kaibigan. Wala pa ang lecturer namin kaya naman nasisiguro kong di pa ako late. May 20 minutes pa bago magumpisa ang klase.

"Oy bes hingal nanaman?" biro ni BJ nang maka upo ako.

"Hoy alam nyo ba guys? open na daw ang magpa register para sa mga clubs"  nae-excite na kwento ni Mitch

"San nyo gustong sumaling Clubs?" tanong ni Angela

"Siguro....." nag isip ako ng sasalihan ko "Siguro sa Dance Club nalang ako, sa Dance Troupe" sagot ko

"Ay ang taray naman ni Ateng!!! jusko dhay!! Hindi ko ma imagine kung pano ka sumayaw. Mas bagay sa Creative writing ang mga nerd noh" si BJ na hinahawi nanaman ang imaginary hair nya

"Hahaha, oo nga Caryl marunong ka pala sumayaw? Nerd tapos sumasayaw? bwhahaha, I can't imagine, you know" tumatawang ani Mitch

"Hmmm oo marunong akong sumayaw, di naman purkit nerd ako ay di na ako marunong sumayaw haha" paliwanag ko

"Ay ikaw BJ san mo gustong sumali?" tanong nanaman ni Angela

"Ahhmmm" kunwari pa syang nag iisip "Siguro sa Sports Club nalang ako" sagot naman nito

"Bwahahahaahahahaahhaah" natawa kaming talto nila Mitch at Angela kaya naman ngumuso lang si BJ "Bwahabahaahah"

"Ha! Ha! Ha! Ha! Nakakatawa!" irap ni BJ na nameke ng tawa.

"Eh kase naman.... bwahahahaha" di napigilan ni Mitch ang kanyang tawa "Baka makalas ka nyan? Bwahahaah" si Mitch na inaasar si BJ

"Tag mo yung kaibigan mong kakalas na hahahaha!!" di ko mapigilang tumawa

"Kaya nga eh hahaha!"

"Ayy! Eh kung hambalusin kaya kita ng baseball bat jan? May mga babae kayang sumasali sa Sports Club. Pwede din siguro ang mga bakla don noh?!" BJ na naasar

Kami namang tatlo ay pinipigilan ang matawa. "Eh ikaw Mitch saan mo gusto?" tanong ko

"Sa Dance Troupe din ako sasali para magkasama tayo Caryl" nakangiting ani Mitch

"Ahhh parehas pala tayo ng gusto" nakangiti ko ring ani

"Ay teh baka di mo mabuhat sarili mong yan? Hahaha akala ko ang
pipiliin mo ay food club eh bwehehehehe" biro ni BJ kaya naman hinampas ni Mitch ang braso ni BJ "Ay pikon? Gusto mo pala ng hampasan ah, sige LETS DO THIS!!. yah! pak! boom!!" si BJ.

Ang iingay nila grabe hahaha!! Naaalala ko tuloy si Kim dahil sa kakulitan at kaingayan nila.

"Wala namang Food Club dito eh!! Bakla ka talaga" si Mitch na nakikipaghampasan parin kay BJ

Naghahampasan parin silang dalawa, habang kami naman ni Angela ay tuwang tuwang panoorin sila. Hahaha

Hindi naman talaga mataba si Mitch, medyo chubby lang pero sexy parin naman sya kahit papaano.

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon