Pagkapunta kong kotse ay agad akong tumakbo papasok nang bahay namin.
"Ate anong nangyari sayo!?" takang tanong ni Frank sakin pero di ko sya pinansin at nagtuloy tuloy lang ako sa pag akyat sa kwarto ko.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong humilata sa kama ko at don umiyak ng umiyak sa aking unan.Maya-maya pa ay kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang cellphone ni Kim.
"Hello?" Si Kim
"K-kim" mahinang usal ko sa kabilang linya"Caryl?" Pag alalang tanong nya "Hoy kanina pa kita hinahanap, nasan kana?? Na absenan ka tuloy!! Kakauwi ko lan-" sabi nya at napatigil naman sya sa pagsasalita nung marinig nya ang pag hikbi ko "Teka!? Umiiyak ka!? Bat ka umiiyak?? Caryll??" Pag alala nya.
"S-sinugod kasi ako ni Mhargareth e-" humihikbi paring sabi ko
"Ano!?! Si Mhargareth!? Hala Caryl bat di moko tinawag!?" Sigaw nya
"Saka na natin to pag usapan Kim, pakisabi nalang sa mga teacher natin na di ako makaka makakapasok ng ilang araw kasi masama ang pakiramdam ko. Sige na byee" malumanay na sabi ko
"Wait lang caryl!!" Habol nya pa ngunit inend ko na kaagad yun
-toot-toot-toot
Sorry Jonax, magtiwala ka lang sakin at babalik ako
Bumalik ako sa pagkakaiyak at di ko namalayan na nakatulog na pala ako
Fast Forwarddd----
3:00 pm
Nakaraan ang ilang araw na hindi ako pumapasok. Marami rin akong napag daanan sa ilang araw na yun.
Di makakain.
Di makatulog.
Iyak ng iyak.
Kung ano anong iniisip.
Di lumalabas ng bahay.
Laging nakakulong sa kwarto.
Di kinakausap si Frank.
Yan ang mga napag daanan ko sa araw na yan.
Pero ngayon ay nakamove on na ko, naka recover narin ako. Makikita ko na si Jonax!!!!
Maya maya pa ay bigla kong maalala na.....
"Ay oo nga pala monthsarry nga pala namin ni Jonax, nakalimutan ko" sabi ko sa sarili ko
Excited na kitang makita Jonax!! Ang tagal kong nag tiis
Agad akong nagpaalam kay Frank na kakarating lang galing sa school na pupunta akong mall dahil may bibilihin lang ako at agad naman syang pumayag.
Pinaandar ko na ang kotse namin papuntang mall
Nang makarating akong mall ay nag park muna ako at pumasok na sa loob ng napakaraming tao... hayyttsss napa buntong hininga nalang ako sa rami ng tao, agad akong pumunta sa cake shop at bumili ng mamahaling cake.... bumili narin ako ng couple shirt para saming dalawa ni Jonax.