Caryl's POV
I love you
I love you
I love you....
Narinig ko sa aking isip ang unang I love you sakin ni Rex.... Nang......
"Caryl!"
"Ate Caryl!? Gising na!!"
Naramdaman kong may umuuga sakin kaya dahan-dahan akong nag mulat ng mata. Nang magmulat ako ay kulay puti lang ang nakita ko, bumaba ako ng tingin at nakita ko si Kim at Frank na masayang masaya na.
"Caryl! Gising ka na!" masayang ani Kimberly
"Nasan ako?" nahihirapang tanong ko
"Nasa Hospital" sagot ni Frank.
No! Hindi pwede! Kaylangan ko pang puntahan si Rex!
Ngayon ko lang na realize na mahal ko pala si Rex. Indenial lang pala ako dati. Nalaman ko na mahal ko pala sya nung nalaman kong pwede syang mamatay, sobrang nag alala ako sa kanya, nasasaktan ako sa kalagayan nya. Mabait si Rex pero minsan naiirita lang ako sa kakulitan nya--
"Ate Caryl ok ka lang ba?" hindi natapos ang pag iisip ko dahil sa tanong ni Frank.
"Frank kaylangan kong bumalik sa Ilocos!" nag aalalang ani ko
"Bakit?"
"Kailangan ako ni Rex! Mamamatay sya! Kailangan ko syang makita! Nag aalala ako sa---" di ko natuloy ang sasabihin ko ng takpan nya ang bibig ko.
"Sino ba kasi si Rex!?" naiiritang tanong nya
"Nanliligaw sya sakin! Mahalaga sya sakin! I love him!" naiiyak na sagot ko. "Anong araw na? Anong oras na? Kaylangan ko nang umalis!" aligagang dagdag ko.
"Easy! Di naman sya papabayaan ng Doktor dun eh. Araw ng Friday ngayon, tas 1:47 ng hapon ngayon" sagot nya. Agad akong bumangon at tumayo.
Whhaattt!?!? Tatlong araw akong tulog!?
"Pwede na ba ako umuwi?" tanong ko
"Oo daw sabi ng Doktor, kanina nya lang sinabi kaya naman agad ka na naming ginising ta---" pinutol ko kaagad ang linya nya
"Oh, edi tara na" yaya ko sa kanila, nagtinginan lang sila sa isa't isa at sumunod na sakin.
Agad naming niligpit ang naiwan naming gamit sa Hospital at umuwi na ng bahay.
~Bahay~
Agad akong pumasok sa bahay at umakyat papuntang kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay nakita ko ang cellphone ko na nasa sahig parin. Pinulot ko ito at tinignan, may 3 missed calls ito at may isang text mula kay Angela. Binuksan ko ang text Message.
~You Received a Message~
From Angela:
Caryl ok ka lang ba? Pumunta kami nila BJ at Mitch sa bahay nyo dahil sa pag aalala sayo kaso ang sabi ng Tita mo ba yon? Ang sabi nya, nasa Manila ka daw. Okay ka lang ba? Nakauwi na kami ng mga kaibigan natin galing sa Hospital, nakapag shopping na nga kami eh haha. Akala namin nasa bahay ka parin ng Tita mo kahapon, pero nasa Manila na pala. Sige, ingat ka jan ahYESTERDAY 3:38pm
Natutuwa ako sa kanila dahil nagawa nila akong puntahan sa bahay ni Tita Lea kahit kakagaling lang nila sa Hospital. Nagpapasalamat ako dahil kahit papano ay nag aalala rin sila para sakin.
Di ko na yon sinagot pa at inilagay ko nalang yon sa bag ko. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. At pagtapos kong maligo ay nagbihis na ako, buti at may natira akong mga damit dito sa kwarto ko, di kasi ako nagdala ng damit papunta dito eh.
Pagtapos kong magbihis ay binitbit ko na ang bag ko at bumaba papunta sa Sala. At nang makapunta ako sa Sala ay nakita ko si Kimberly nakabihis, papasok na yata sa trabaho.
"Oh lyn?" namiss ko yung pagtawag nya ng 'lyn' "San ka pupunta?"
"Babalik na ako sa Ilocos" sagot ko
"Agad-agad?" tanong nya, tumango ako
"San ka pupunta?" ako naman ang nagtanong sa kanya.
"Ah! Papasok na ako sa trabaho ko, si Frank naman ay pumasok na sa School" aniya
"Ah sige pakisabi nalang kay Frank na pumunta na ulit ako sa Ilocos. Bye Kim!" paalam ko
"Bye lyn! Ingat ka ah" nagyakap kami
-------
Gabi na nang makauwi ako dito sa Ilocos, tumuloy agad ako sa Hospital para dalawin si Rex.
Pagkapasok ko ng Room nya ay ang Mommy lang nya ang nandoon. Umiiyak ang mommy nya na nakaupo sa isang gilid.
"Magandang gabi po" bati ko sa Mommy nya. Nagulat sya ng makita ako.
"Good Morning Caryl. Nice to see you again" bati nya rin "Hanggang ngayon ay hindi parin sya gumigising ilang araw na syang tulog"
Lumapit ako kay Rex at naupo sa tabi nya. Naiyak na lang ako sa nakita kong itsura nya. Hinawakan ko ang kamay nya at duon umiyak.
"Kasalanan kong lahat ko" sabi ko.
"No. Wala kang kasalanan hija, ang bumaril ang may kasalanan dito" biglang singit ng mama nya.
Hinaplos haplos ko ang kamay nya, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak parin ang kamay nya.
After an hour.....
May nararamdaman akong gumagalaw sa kamay ko kaya nagising ako. Pagbukas ko ng mata ko ay nagulat ako nang kay Rex ang gumagalaw na kamay na iyon.
"Tita! Gising na po si Rex!" sigaw ko sa mama ni Rex "Rex ok ka lang?" bulong ko sa kanya.
"C-c.....Caryl" nahihirapang sagot nya.
"Nurse!!! Nurse!! Gising na po sya!!" tawag ng mama nya sa nurse.
Agad namang pumasok ang nurse at tinignan sya. Lumayo muna ako kay Rex dahil tinitignan sya ng mga doktor.
Bumubuka ang bibig nya ngunit walang lumalabas na salita. Hindi ko maintidihan ang sinasabi nya sakin.
Sobrang saya ko ng magising si Rex, akala ko mamamatay na sya dahil sa bala ng pinaputok sa kanya. Kaylangan na talagang mahuli ang may pakana nito.