Chapter 13: Ilocos

12.5K 248 3
                                    

"Kring kring kring" yan nanaman ang alarm clock ko na napaka ingay

Tinignan ko ang oras, 2:00 na nang madaling araw.... 3:00 ako aalis dahil pag nakarating akong ilocos ay hapon na, siguro bukas nalang ako pupunta sa bago kong school.

Pag kahilamos ko ay agad nakong naligo. Naghihilod pa ako kaya matalagal akong maligo syempre para malinis na malinis talaga!! Pagtapos kong maligo ay nagsuot ako ng dress na floral at flat shoes. Binitbit ko narin ang sling bag ko dahil dun nakalagay ang cellphone ko.

Pagtapos kong magbihis ay binaba ko na ang mga bagahe ko at nagluto nako ng almusal ko, mamaya ko na gigisingin si Frank kapag aalis nako. Baka magalit sya eh..  Magagalitin pa naman!!!

20 minutes nalang ay aalis nako kaya nagmadali akong mag toothbrush. Naghanda nako ng sarili ko at ginising si Frank.

Umakyat nakong hagdan at pumasok na sa kwarto ni frank para gisingin.

"Frank gising na!! Aalis nako!" sigaw ko sa tenga nya.

Nag unat-unat muna sya bago magsalita "Aalis ka na kaagad?" tanong ni Frank

"Syempre kaylangang maaga eh" sagot ko

Bumaba na kami at lumabas ng bahay at pumuntang garahe, binuksan ko na ang makina ng isang kotse namin at kinuha ang mga bagahe ko. Nilagay ko na ang mga bagahe ko sa likuran ng kotse. Tinulungan na rin ako ni Frank mag dala, sa dami ba naman eh

Pagkalagay lahat ng bagahe ko sa kotse ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Bye my brother" paalam ko

"Ba-bye ate, mamimiss kita ako nalang tuloy naiwan sa bahay" nguso nya

"Eh ikaw kasi eh ayaw mong sumama sakin, edi papuntahin mo si Christian dito.. Kung gusto mo mag sleep over sya dito eh" irap ko "Mahal na mahal mo talaga yang bestfriend mo eh noh. Pinagpalit moko sa kanya, pinili mo pang mapalayo sakin para lang makasama yang kaibigan mo!" nagtampo tampuhan ako.

"Hhuuyy! Ikaw parin love ko nohh!!" inuga uga nya ako.  "Basta mamimiss talaga kitaaa!!!"

"Halah para namang sa ibang bansa ako pupunta" biro ko

"Hahah basta mamimiss kita, ingat sa pag di-drive ah" sabi nya

"Hahaha walang sawaang paalam ah..  Mamimiss din kita alagaan mo sarili mo ah" sagot ko habang niyakap ko si Frank, at sa oras nayun ay dun na lumabas ang mga luha ko.

"Ingatan mo rin sarili mo Ate. Tawagin mo lang ako kung may bubugbugin tayong lalakee!!"

"Oo hahahah" sagot ko "Hindi ko hahayaan na may manakit ulit saking lalaki! Last na si Jonax, bugbugin ko yun eh!"


Sumakay nako sa kotse ko at pinaandar nayun papuntang ilocos, meron akong GPS kaya hindi ako maliligaw sa dadaanan ko.

Ang lungkot kong nagdi-drive dahil wala akong kausap at ako lang mag isa rito, buti nalang at binuksan ko ang radyo.

Grabe!! Bored na bored akong nagdi-drive



**
Tanghali na kaya humanap na muna ako ng restaurant tsaka bumaba sa kotse. Umorder muna ako bago maghanap ng mauupuan.

Habang ako ay kumakain ay may limang lalaking nakatingin sakin habang tumatawa.

Ang popogi nila pero wala akong pakielam.

"Ano bang kaylangan nyo sakin? Stop staring at me!!" irap ko

"Luh masama bang tumingin, nerd nerd nerd!!" asar nila sakin

Binilisan ko na ang pagkain at dali dali kong iniwan ang mga mokong na lalaki nayun, kala nila ngayon lang sila nakakita ng nerd eh.. Jusko mga kabataan ngayon.

Bumili narin ako ng pasalubong para sa mga kamag anak ko sa ilocos, siguradong matutuwa yung mga yon pag nakita ulit nila ako sa matagal na panahon.

Sumakay na ulit ako ng kotse at pinaandar na ito, 4 hours pa bago ako makarating don..


After 4 hours**

Tumingin ako sa paligid at tunay ngang napakaganda dito, ang daming bukirin at mga puno.

Nakita ko ang bahay ni Tita Lea at sadyang maliit lang ito, pag tumingin ka rin sa mga bahay dito ay maliliit lang.

Kinuha ko na ang paper bag na may lamang mga pasalubong sa kotse at kumatok sa pinto nila Tita.

"Tita Lea??" tawag ko kay tita habang kumakatok

"Sino yan?Sandali lang" sagot nya

Pagkabukas nya ng pinto ay bakas ang gulat sa kanyang mukha, nagulat din ang pinsan kong si Ronald na syang anak ni Tita Lea.

"Caryl... Ikaw bayan?" tanong nya

"Opo akong ako po ito" nakangiti kong sagot

"Aba bat napadalaw ka dito?Ang laki mo na ah....mas lalo kang gumanda kaysa nuong nakaraang dalaw nyo rito ng Mommy't Daddy mo at pati na rin si Frank, isang dekada narin tayong di nagkikita ah, nasan nga pala si Frank? " aniya

"Hmm hindi po kasi sumama si Frank eh, ayaw nya...balak ko lang pong dito muna tumira, ako narin po ang magbabantay ng plantation namin rito hhmm tsaka nga pala, dito narin po pala ako mag aaral" mahabang paliwanag ko

"Ahh ganon ba, welcome na welcome ka rito! Sakto at may isa pa kaming kwarto rito, dun ka matututulog...tara at pumasok na tayo, magluluto ako ng pagkain para sayo" aniya

Pagpasok ko ng bahay nila ay nakita ko si Ronald na nag ce-cellphone, nang makita nya ako ay bigla nya akong sinalubong ng yakap, habang si Tita lea naman ay busy na sa pagluluto. Ang Asawa nga pala ni Tita Lea ay yumaon na.

"Uyy! Ang laki mo na Ronald ah, nung huling kita natin ay napakaliit mo pa....ilang taon ka na nga? " tanong ko

"Haha oo nga eh, namiss kita Ate Caryl, 16 na nga pala ako nasan nga pala si Frank?" aniya

"Aahhmm nasa bahay eh, ayaw sumama" sagot ko

Nung huling nagkita kami ni Ronald ay mga bata pa kami, sya ay 6years old at ako naman ay 8years old at ang iba kong pinsan ay kasing edad lang ni Frank. Edi bale isang dekada na kaming di nagkikita.

"Ay oo nga pala, eto o pasalubong ko sa inyo" aniko sabay bigay ng paper bag sa kanya

"Thank you" aniya at nilagay na sa lamesa ang paper bag "Tara punta tayo kila Tita Elma at pati narin ang mga pinsan natin" pahabol nya

Malapit lang ang bahay nila Tita Elma mula rito sa bahay nila Tita Lea, tatlo ang anak ni Tita Elma at yun ay sina Rose, Ruben at Cally. Isang lalake at dalawang babae, sila ang iba ko pang mga pinsan. Si Tita Elma at Tito Benji ay mag asawa.

Pagka katok namin ni Ronald sa pinto ay ang unang emosyon nilang lahat ay gulat na gulat... Kala mo nakakita ng multo.

Pagkakita nila sa akin ay isa-isa nila akong niyakap, binigay ko narin ang pasalubong ko sa kanila.

Nakipag kwentuhan muna kami sa mag asawang Tita Elma at Tito Benji pati na rin kila Rose, Ruben at Cally bago umuwi sa bahay nila Ronald.

Pagkauwi namin ay kumain na kami ng Hapunan na niluto ni Tita Lea at saka pumunta na sa kwarto ko. Inayos ko muna ang mga bagahe ko at nabihis narin ako nang pantulog at natulog na.

Kinakabahan ako bukas dahil bukas nako mag eenroll. Namimiss ko narin si Frank.



**

Vote and comment!

Twitter: @kissseeess




Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon