Rex's POV
1 month later....
Nandito ako ngayon sa simenteryo, magisa lang ako ngayon dito. Nakaupo ako sa tabi ng puntod ni Ate Aciel. May dala rin akong mga bulaklak at mga pagkain.
Kasalanan ni Jonax kung bakit namatay si Ate Aciel....
"Nawala si Caryl sa buhay ko tapos pati ba naman ikaw ay mawawala sa buhay ko, Ate Aciel?" bulong ko, unti unti nang pumatak ang mga luha ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko at humiga sa tabi ng puntod ni Ate Aciel at tumingala sa langit.
Nagpapatuloy ako sa buhay ko kahit wala na si Caryl, pumapasok na ulit ako sa school at pinagiigihan ang pag aaral para sa kanya.
Nang umalis si Caryl ay napakasakit ng nararamdaman ko, at ngayong si Ate naman ang nawala ay dobleng sakit na ang nararamdaman ko. Nawalan ako ng kapatid at sobrang masakit non para sakin. Lagi kaming nag aaway dati ni Ate pero mahal na mahal ko sya.
Mahangin ngayon dito sa simenteryo at malilim din dahil sa mga punong nakatayo dito.
Ate Aciel... Kung nasan ka man ngayon---
Di ko natuloy ang iniisip ko nang makarinig ako ng yabag papalapit sakin. Tumayo ako at tinignan kung sino yun, pero nang makita ko ang pagmumukha nya ay biglang kumuyos ang palad ko at nangunot ang noo ko, biglang uminit ang ulo ko sa taong nakikita ko ngayon. Namuo nanaman ang galit ko sa taong ito.
"Anong ginagawa mo dito Jonax!?" galit na tanong ko sa kanya. May dala syang mga bulaklak. "Ang kapal ng mukha mo para magpakita sakin!?" dagdag ko.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa Ate mo. At humihingi ako ng tawad sa kanya" sabi nya at tumingin sa puntod ni Ate.
"Ha! Humihingi ka ng tawad ngayong patay na sya? Sa tingin mo maririnig ka nya!?" sarcastic kong sabi.
Umupo sya sa tabi ng puntod ni Ate kaya kunot noong umupo din ako. "Nandito rin ako para umamin sayo" malungkot na sabi nya.
Nanlaki ang mata ko "W-wag mong sabihin na aamin ka dahil may g-gusto ka sakin?" nauutal na tanong ko.
Hala! Baka may gusto sya sakin kaya sya aamin. Baka gusto nya kaming paghiwalayin ni Caryl dahil may gusto sya sakin!! This can't be....
Napatulala ako sa gulat.
"Gago hinde!! Ano ako bakla!?" sigaw nya sakin.
"Eh ano?" tanong ko sa kanya.
"Ginagamit ko lang si Aciel para maghiganti sa inyong dalawa ni Caryl" napapatungong sabi nya. Nag umpisa nanaman ang galit ko. Napasabunot nalang ako sa bawat grasses na nahahawakan ko ngayon. "Tama nga yung sinabi sakin ni Aciel nung nakaraang buwan bago sya mamatay. Tama nga yung sinabi nya sakin na wala na ako sa buhay ni Caryl, ang sabi pa nya sakin ay masaya na si Caryl sa buhay nya kahit wala ako. Oo nga naman... Masaya na sya sa buhay nya, eh bakit ko pa sya guguluhin?" malungkot na sabi nya "Nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Dapat pala naging masaya nalang ako para sa inyong dalawa."
Nagumpisa nanamang mamuo ang mga luha ko "Grabe ka Jonax! Bakit si Ate pa!? Isa kang demonyo! Pati ba naman Ate ko gagamitin mo sa kasamaan mo?! Tama nga yung hinala ko, sasaktan mo rin pala si Ate tulad ng pananakit mo kay Caryl!" lumuluha kong sabi "Alis!! Umalis ka na sa harap ko ngayon!" galit na galit na sabi ko