Chapter 54: Finally Married

14.8K 283 12
                                    

A months later.....

-Caryl's POV-

"Ay ang taray!! Ang ganda naman ng bestfriend namin!" pumapalakpak na sabi ni BJ habang mine-makeup-an ako.

Nandito kami sa Manila, sa Manila Church kasi gaganapin ang kasal naming dalawa ni Rex.

"Thank you BJ, Mitch at Angela sa pagpapaganda sakin ah! Nag effort pa talaga kayong pumunta dito sa Manila" natatawa kong sabi

"Ay naku wala yun! Buti ka pa nga ikakasal na! Habang ako naghahanap parin ng jowa!" hinampas ni Mitch ang balikat ko.

"Kawawa ka naman!" si Angela

"Che! Purkit kasal ka na 1 year ago, gaganyan ganyan ka na!? Ha!?" mataray na sabi ni Mitch kaya natawa kami.

Yes, tama ang nabasa nyo. 1 year na pong kasal si Angela. Ang bilis noh? Parang kanina lang hahahah.

"Mag divorce sana kayo ng asawa mong pogi!" banat ni Mitch

"Ay grabe! Wag ka sanang makahanap ng jowa!" banat naman ni Angela

"Awwww!!!" ako

"Ang shaket non ah!" Mitch

"Ganyan talaga" ngisi ni Angela

Maya maya pa.....

"Oh diba! Ang ganda ni Caryl" sigaw ni BJ.

Tumingin ako sa salamin.

Wow....

Ang galing talaga magmake up ni BJ! Sabagay, make up artist at designer pala sya. Sakanya rin galing ang engrande kong gown.

Si Angela ang nag tali ng buhok ko at si Mitch naman ang tumulong sa pagsusuot ng gown ko.

Ready na ako sa kasal!!!

"Ang gwapo siguro ni Rex sa white suit nya noh?" si BJ

"Matagal naman na syang gwapo" ngumisi ako. Bwahaha

"Proud to be wife. Ayiiieeeee" sinundot sundot ni Mitch ang tagiliran ko.

-After an hour-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-After an hour-

Tenenen tenenen tenenene tenen tenene tenenen♪

Tulo nang tulo ang luha ko habang papalapit kay Rex. Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko ang mga kaibigan ko na talon ng talon sa tuwa. Nang tumingin naman ako sa kanan ay nakita ko ang lahat ng pamilya ko at ang mga pamilya ni Rex. At nang makarating ako sa kanya ay nakikita ko ang galak sa kanyang mata. May bahid na rin ng luha ang kanyang mata.


Yumakap ako kila Mommy at Daddy at "Salamat Mom and Dad" umiiyak
na pasalamat ko

"Your welcome anak. Basta sa kaligayahan mo" kumalas ako sa pagkakayakap at lumapit na kay Rex.

Nerd Is Dangerous Too. (COMPLETED♡)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon